ENCHANTED

Oct 1994

"Potek!, Lunes na naman bukas...nakakabitin ang gala ko. sarap pa naman magpunta dito sa glorieta. Isang araw lang ang pahinga, bitin pa...nakakainis...

Nakita ko pa naman ang isa kong classmate nung high school...dito pala siya nagwo-work sa Landmark."

Ito routine nababanggit ko sa tuwing magpapalamig ako sa mall. Isang araw lang kasi ang pahinga sa trabaho ko bilang isang messenger. Mula sa province ng Laguna, binabyahe ko pa araw-araw para magdeliver at pumik-up ng files sa Makati.

Nakakatulog na ako ng bus habang nakatayo...iniipit ko na lang ang kamay ko sa hawakan ng pasahero...para kung sakaling makatulog ako eh...hindi ako matumba...

Mula Makati Square ay kailangang lakarin ko hanggang Paseo de Roxas, at pagbalik naman ay lakad ulit hanggang Pasay Road, hanggang makatawid ng Crispa, para makapag-abang naman ng Bus Puntang Laguna.

Kapag minamalas-malas ka pa, makakatabi mo pa ang may amoy-putok! naku...ang hirap sa pakiramdam...wala kang choice kundi tiisin mo na lang. Wala ka naman kasing pwedeng lipatan, dahil laging punuan na ang bus kapag dumaan ito ng Crispa. At kung minsan naman ay nakakaupo...pero madalang pa yun sa patak ng ulan. hay naku! kung di ko lang talaga kailangang magtrabaho para makatapos ng pag-aaral at para magkaroon ng magandang bukas...hindi ko gagawin ito..."kung mayaman lang sana ako...eh di may sarili akong sasakyan...kailan kaya ako yayaman???"

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY