Posts

Showing posts from December, 2011

SI BANTAY

SI  BANTAY (Our Guard Dog) story by father jiggs Isang araw matapos ang mahabang paglalakad patungong eskwelahan, at matapos matawid ang 15 tawid na ilog na paliko-liko ay narating ko rin ang school namin. Halos madapa ako sa pagmamadali sa paglalakad dahil malapit ng mag-bell. BACKGROUND: Happy Valley Primary School, yan ang lagi kong nakikita sa tuwing aakyat ako sa halos mahigit 20 steps na hagdang semento pataas, bago ko pa maabot ang hanay ng mga classrooms. Halos mapigtas na ang tsenelas ko sa pagmamadali. Palingon-lingon, nagbabakasakali na may makasabay na school mates ko. Grade-2 na ako noon. Di nagtagal matapos kong makarating sa classroom at makapagpahinga ng kunti ay tumunog na rin ang bell. "Ting...ting...ting..." time na para sa flag ceremony. Naglabasan na ang lahat mula sa classrooms ng 3 kwarto. Maliit lang ang school namin, may kalumaan na. Sementadong pader ang humahati sa bawat rooms. Sa itaas naman ay may mga makakapal na flat bars na ginawang grills....

TIAGONG TANGGERO

Image
TIAGONG TANGGERO maglalasing ka ba, or maglalasing ka??? story by father jiggs   Background: Maraming kabahayan sa di kalayuan...may malawak na palayan sa kanan. Matatas namang hanay ng mga puno ng matataas na niyog sa kaliwa...sa likuran naman ay ilog na binuo ng mga maliliit na sapa...galing sa mga kagubatan at ang iba ay galing sa palayan. Probensya ang setup...umaga...bandang alas 5:00 pasado.   Haissstt.....sakit ng katawan ko...ani Tiago...INAY!...INAY!...INAY!... tawag ni Tiago kay Aling Nena na abala naman sa pagwawalis sa harapan ng bahay nila. Malapit sa pwesto ng kanilang tindahan na may nakasulat na "TINDAHAN NI ALING NENA." "Inay...ang sakit ho ng ulo ko, ano ga ho ang gamot...deneh..." ani Tiago. "Ayannnn.....sa kauhawan mo sa alak...may hang-over ka na naman..." sagot ni Aling Nena. "Ang mabuti pa ay tumingin ka ng pulot-pukyutan kina Mang Jose...at baka meron dun...tapos ihalo mo ang pulot-pukyutan sa tubig at inumi...