TIAGONG TANGGERO

TIAGONG TANGGERO
maglalasing ka ba, or maglalasing ka???

story by father jiggs


 

Background: Maraming kabahayan sa di kalayuan...may malawak na palayan sa kanan. Matatas namang hanay ng mga puno ng matataas na niyog sa kaliwa...sa likuran naman ay ilog na binuo ng mga maliliit na sapa...galing sa mga kagubatan at ang iba ay galing sa palayan. Probensya ang setup...umaga...bandang alas 5:00 pasado.

 

Haissstt.....sakit ng katawan ko...ani Tiago...INAY!...INAY!...INAY!... tawag ni Tiago kay Aling Nena na abala naman sa pagwawalis sa harapan ng bahay nila. Malapit sa pwesto ng kanilang tindahan na may nakasulat na "TINDAHAN NI ALING NENA." "Inay...ang sakit ho ng ulo ko, ano ga ho ang gamot...deneh..." ani Tiago. "Ayannnn.....sa kauhawan mo sa alak...may hang-over ka na naman..." sagot ni Aling Nena.

"Ang mabuti pa ay tumingin ka ng pulot-pukyutan kina Mang Jose...at baka meron dun...tapos ihalo mo ang pulot-pukyutan sa tubig at inumin mo, mabisang pang-alis ang hang-over yun."

dagdag pa ni Aling Nena, sinunod naman ni Tiago.

Pero bago makarating ay hinarang naman siya ng kumakahol na aso at galit na tinadyakan ang aso ni Mang Gusting na siga sa lugar namin. Nakita ni Mang Gusting..."Hoy!!! *@!@#!#!!!!! ba@! ka!" hanabol ni Mang Gusting...nang inabutan ay..."itong bagay sayo! pak...bog..bog...Walang...#!!kang #!~ ka!" bugbog si Tiago bago nakarating kay Mang Jose.

Ang kawawang si Tiago ay nakabili din naman ng Pulot-pukyutan at umuwi ding puro bangas.





Location:Bundok
 

"tan-ta-loy...loy-loy-loy...tan-ta-loy...loy-loy-loy..." tamang inuman session na naman sina Tiago, masaya panay ang tawanan...saliw pa ng kantang tantaloy..."ang aking aawitin ay

pangalan ng isda..." sagot ng isa .."ang akin ay tilapia.." kanta ng isa.."ang akin ay tuna.." dugtong pa ng isa..."ang akin ay ....." walang maidugtong si Tiago...nabitin..."hallllaaaa...tagay Tiago...hahahaha..."  tawanan na naman...kasi ang walang maidugtong sa pasahan ng pagkanta ng tantaloy ay siyang tatagay...paikot kasi ang

larong tantaloy...at ang magkamali ay syang tagay.

Di nila namalayan na alas 10:00pm na pala, malalim na ang gabi..madilim na...lalo at gubat pa at mga sapa ang dadaanan ni Tiago pauwi sa 2kilometrong layo pa ng lalakarin. maya-maya ay nagpa-alam na rin si Tiago...pero mga 11:00pm na rin sila nagkahiwa-hiwalay.

Mga 1 kilometro na rin ang nalalakbay ni Tiago nang..."Bakit ganun nahhlegaw yata akohh...hik...alennn...kaya ang tamang daannnn...ditoh...kalewaaa...o kaaaaanaaannn...?"


tanong ni Tiago sa sarili habang lasing at hilo na sa tama ng Ginebrang ininum nila...sinundan ni Tiago ang daan, papuntang kaliwa...pero " parang ang tagallll...kohhh...ng naglalakadddd...perrroooo...di koooh pah...marating ang iloggg..."

sambit nya. Maya-maya'y may natapakang malamig at mamasa-masa si Tiago..."Ahhhh...malapit na akoh sa illlooogg...may poootteekkk na eh...." nabuhayan ng loob ang lasing.

"perrro..bakkeettt....mabahooo...hik...? amoy ...eeeeiiii"

Ano kaya ang natapakan ni Tiago? Ituloy natin ang kwento. Pasuray-suray pa rin si Tiago...1:00am na ay hindi pa rin nakakarating sa bahay ang pobreng lasing. maya-maya'y biglang "thog!...splash!..." natalisod pala niya ang isang bato...sabay biglang bagsak nito sa putikan..."Pwe! lasang lupaaa...hik...ano ga namang ilog ito at malatak...? pwe! pwe! pwe!" sabay pahid sa mukha ng mga putik na bumalot sa mukha nito...babasang-basa...

"Sinong nagtulak sa akin???...sino??? lumabas ka!!!??? hik!" naghurmintado ang lasing sa gitna ng gubat...nang  biglang...nakasalubong syang nag aapoy na ilaw...at biglang nagsalita ng "sssiiiinnnoooo annngggg nagggghahamooonnnn nggggg aaawwwaaayyyyy....?" isang may echo na malaking boses ang narinig nya, habang naaaninag nya ng bahagya ang malaki at mabahahibong hegante sa harapan nya....namutla ang lasing....napatalon...at napasigaw na...


"KAPRE!!!   KAPRE !!! KAPRE !!! ....SAKLOLO!!!....." 

napatakbo at nawalan ng pagkalasing si Tiago...takbo dito..takbo doon...bangga dito...bangga doon...nahulog sa sapa...nahulog sa lubluban ng kalabaw... hanggang makarating sa bahay nila...tumatakbo pa rin..pero nagliliwanag na ng makarating sa bahay nila.

Gulat na gulat si Aling Nena ng makitang puro bukol at puro putik ang buong katawan.

"Ano iinom ka pa ga ulit?.... yan ang napapala taong mapagmahal sa alak..." hindi na nakapagkwento pa si Tiago, naligo na lang siya at nangakong, hanggat maari ay magbabawas na sa pagtagay hanggang maiwasan na ng tuluyan ang pagkalasenggero.

Kaya payo ko po...kung mag-iinom kayo...magtira kayo ng pang-uwi at ilagay sa tiyan ang ininom...wag maghahanap ng away...baka kapre ang mahanap nyo!  :")

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY