TANONG LANG PO
May mga gumugulo po kasi sa aking isipan...gusto ko lang malaman ang inyong kasagutan...
Pakitulungan nyo nga po ako sa mga tanong kung ito:
1. Pwede bang bumili ng Happy Meal ang isang taong malungkot?
2. Pwede bang gamitin ang AM Radio kapag gabi na?
3. Ang Fire Exit ba ay labasan ng apoy?
4. Totoo bang ang mga manok na kinatay sa Jollibee ay masasaya kaya sila tinawag na Chicken JOY?
5. Mayroon bang kahit isa man lang na langgam na mahilig sa maalat?
6. Bakit di mataas ang HIGHway?
7. Bakit walang lumilipad na sasakyan sa flyover?
8. Hindi kaya ang dahilan ng pagbaha sa panahon ni Noah ay pinutol nya lahat ng puno para gumawa ng napakalaking arko?
9. Ang Bird FLU ba ay past tense ng Bird FLY?
Comments