Posts

Showing posts from 2014

Sulat

Magandang araw po... Sa umagang ito hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa ng salaysay.  Ilang Buwan, ilang linggo, ilang, araw...basta maraming oras na ang lumipas...maraming araw...hindi ako mapakali...hindi makatulog ng maayos. Minsan nanaginip ako at ito ang kwento ng panaginip ko habang ako daw ay gumagawa ng isang liham: petsa ng liham:mayo 8, 1975 Dear rina*, "Sana sa pagsapit nitong aking liham ay nasa mabuti kang kalagayan at ligtas sa anumang karamdaman sa buhay. Mangyaring ako'y sumulat sa iyo para ipabatid itong aking damdamin. Mula ng makilala kita ay labis na akong humanga sa iyo. Maraming beses kong inisip, kung anong bagay ang meron ka ay ako'y nagkakaganito. Hindi ka nawawala sa isip ko gayung ako naman ay walang makitang dahilan kung bakit ganun. Gusto kitang makita araw-araw, makausap, at makilalang lubos. Malimit kung inaasam na sana ay makausap ka at ng maibsan ang pangungulilang ito ng aking puso.  Lumilipas ang mga araw, nagiging m...