Sulat

Magandang araw po...

Sa umagang ito hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa ng salaysay. 

Ilang Buwan, ilang linggo, ilang, araw...basta maraming oras na ang lumipas...maraming araw...hindi ako mapakali...hindi makatulog ng maayos. Minsan nanaginip ako at ito ang kwento ng panaginip ko habang ako daw ay gumagawa ng isang liham:



petsa ng liham:mayo 8, 1975

Dear rina*,

"Sana sa pagsapit nitong aking liham ay nasa mabuti kang kalagayan at ligtas sa anumang karamdaman sa buhay.

Mangyaring ako'y sumulat sa iyo para ipabatid itong aking damdamin.

Mula ng makilala kita ay labis na akong humanga sa iyo. Maraming beses kong inisip, kung anong bagay ang meron ka ay ako'y nagkakaganito. Hindi ka nawawala sa isip ko gayung ako naman ay walang makitang dahilan kung bakit ganun. Gusto kitang makita araw-araw, makausap, at makilalang lubos. Malimit kung inaasam na sana ay makausap ka at ng maibsan ang pangungulilang ito ng aking puso. 

Lumilipas ang mga araw, nagiging mailap ang pagkakataon na mangyari ang aking inaasam na makausap ka. Parang pakiramdam ko'y mapapatid ang litid ng puso ko kung di kita matatanaw. Nakikita kita pero malayo ka naman, hindi mo alam kung anong paghihirap ng pusong ito kung di mo ito pinapansin. Oo nga at masayang matanaw ka...pero mas magiging magaan kung kakausapin mo ang taong may pusong himihiling na sanay mapansin mo.

Maaring sa pagsulat nitong liham ko ay may mga salitang nagiging paulit-ulit ang ibig sabihin.Nangangahulugan lamang ito ng pulit-ulit na pagmamahal ko. "

ito ang unang pahina ng liham na aking nabasa sa panaginip. Itinuloy ko ang pagbuklat sa suod na papel.

"Sana habang limilipas ang bawat ay magkaroon din ako ng panahon sa iyo. Parang kang mga bulaklak sa isang punong kahoy na aabangan ko at kapag naging mabunga ka na ay aking aalagaan hanggang mahinog.

Pangarap ko kasi na kapag ikaw ang aking naging kasintahan ay mamahalin kitang parang yung sinasabi sa radio na "FOR LIFE!" st kung mamahalin mo rin ako sana'y unconditional na pag-ibig. Yung pagmamahal na walang takdang panahon at parang ilog na walang tigil sa pag-agos ang pag-ibig na hindi matatapos.

Sana ay maging matiyaga rin tayo sa isa't isa, kung anong meron ay sya lang munang pagkakasyahin. 

Ang mga araw kapag lumilipas na di kita natatanaw at napakahirap para sa akin.

Hanggang sa muli at hanggang dito na lang muna ang aking liham, malapit na kasing mapundi itong flashlight ko. Pati itong gamit kong de bateryang makinilya ay may alarm na rin...."BATTERY LOW..BATTERY LOW..."

Sana ay wag mong ikasama ng loob ang pagliham ko. Ito'y aking pagdasaad lamang ng damdamin at vision ko kung sakaling mahalin mo ako."
 

Ang iyong Taga-hanga.


ino"

 
-----------------------------
Patuloy ang paglipas ng panahon ayon sa aking panaginip...

Hindi nagtagal at naging magsing-irog din sina rina at ino.


Patuloy pa rin sa pagpapadalahan ng sulat ang dalawa. May mga bahagi na lang ng sulat ang natatandaan ko.

"Rina...ikaw ay laging mag-iingat. mamaya pagkagaling ko sa bayan ay pasasalubungan kita ng nilagang mais."

Animo'y napakalayo nila sa isat-isa...pero ang ginagawa nila ay iniiwan lang ang sulat sa isang puno ng acacia at doon yun nakatago na sya namang pinupuntahan ni rina araw-araw. iyon ang kanilang tambayan sa tuwing magkasama sila.

rina: "Alam mo ino...ako man ay gaya mo rin ang pakiramdam...gusto kong ring lagi kitang kasama...kung pwede lang sana magkasama tayong matulog palagi."

 ino:"Sana kahit magkaroon tayo ng away o tampuhan nandyan pa rin ang bawat isa para mag sorry at magbatian. Wag magtanim ng mga sama ng loob ng matagalan."


Ilan lamang yan sa mga natatandaan kong bahagi ng kanilang liham.


Sa susunod na bahagi, susubukan kong mailarawan pa ang iba pang kwento sa liham nina rina at ino.

:)

-@may_akda

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY