HANTIK
HANTIK
Ang Author si cma
Habang ako'y naglalakad, ako'y napalundag;
Parang isang kurot, aking naramdaman;
Agad na huminto at ako'y naupo, parang balat ko'y biglaang napaso;
Pantalon kong suot ay agad nililis.
Nang aking malilis ay aking nakita;
balat kong nakirot ay may kagat pala;
Nakayakap pala ang mahal kong hantik;
Na ang pagyakap nya'y may kasamang kagat;
Kaya ang balat ko'y biglaang nag-init.
Bagama't maliit ang kagat ng mahal kong hantik;
Pag-ibig nya nama'y lubhang mas malalim;
Ang pagmamahal nyang, may gigil at lambing;

Tagos sa ugat ko, tungo sa puso ko.
Sa halip na ako'y biglaang magalit;
ako'y napaisip tungkol sa pag-ibig;
Na kapag ang tao'y tuluyang umibig,
dapat ay singtamis ng pulot-pukyutan.
Kagat ng hantik, makirot lang sa una;
subalit iba pala kapag tumagal na;
Ito'y hinahanap-hanap na parang pag-ibig;
Kapag natikman ay lagi ng hinahanap.

Comments