Posts

Showing posts from February, 2011

ENCHANTED

Oct 1994 "Potek!, Lunes na naman bukas...nakakabitin ang gala ko. sarap pa naman magpunta dito sa glorieta. Isang araw lang ang pahinga, bitin pa...nakakainis... Nakita ko pa naman ang isa kong classmate nung high school...dito pala siya nagwo-work sa Landmark." Ito routine nababanggit ko sa tuwing magpapalamig ako sa mall. Isang araw lang kasi ang pahinga sa trabaho ko bilang isang messenger. Mula sa province ng Laguna, binabyahe ko pa araw-araw para magdeliver at pumik-up ng files sa Makati. Nakakatulog na ako ng bus habang nakatayo...iniipit ko na lang ang kamay ko sa hawakan ng pasahero...para kung sakaling makatulog ako eh...hindi ako matumba... Mula Makati Square ay kailangang lakarin ko hanggang Paseo de Roxas, at pagbalik naman ay lakad ulit hanggang Pasay Road, hanggang makatawid ng Crispa, para makapag-abang naman ng Bus Puntang Laguna. Kapag minamalas-malas ka pa, makakatabi mo pa ang may amoy-putok! naku...ang hirap sa pakiramdam...wala kang choice kundi tiisin mo