Posts

Showing posts from April, 2011

Sulat sa mga Alumni

Ang Tagal tagal ko ng gustong gumawa ng sulat, hindi ko naman maumpisahan...ang dami kasing mga dapat isipin, hindi ko kasi alam kung paano sisimulan. Naku, ang hirap isipin ng isip, lagi ko na lang inisip ang aking isip, nakahilo na nga sa kakaisip sa isip. ahhhhh....basta ganito ko na lang uumpisahan. Kanina habang naghahanda ako para sa nalalapit na pagkikita-kita naming mga magkaka-klase nung high school, nakita ko pa yung ibang notes ko, pictures ko, at ibang sulat ng friends ko. Naalala ko tuloy ang mga panahon na high school pa ako. Siguro ay isusulat ko na lang ito ng random, ibig sabihin, kung ano ang una kong maisip ngayon...yun na muna ang mauuna sa sulat. Gusto ko sana na sequential...pero mas magtatagal pa yata... Nung unang araw ko sa high school, hindi ko pa alam kung saan umaabot ang salitang "HALAGA". Sa marami kasing aspeto natin pwedeng gamitin ito. Pero sa akin ang alam ko lang noon eh pumasok sa school, umuwi at kumain ang bahaw pagdating sa bahay. he