Posts

Showing posts from August, 2011

KAPRE

Ang Pag-ibig kay Nene Kwento ni : Bun Jing MASAYANG NAMUMUHAY ang pamilya nina Mang Caloy at Aling Josie sa isang lugar sa Mindoro. May tatlo silang Anak: Si Atoy, ang panganay 19 na taong gulang, si Andoy 16 na taong gulang at si Nene, 14 na taong gulang. Nakatira sila sa isang malaking kubo na medyo may kalayuan din sa kalsada. Tanging ang pagpapa-upa ang kanilang kinalakihang trabaho. Minsan ay sumasama sila sa pamimitas ng mangga, rambutan, sinturis at calamansi. Malayong lakad pa, bago sila nakakarating sa kalsada. Dadaan pa muna  ng  mapuputik na daan at 7 tawid ng sapa, habang malalaking mga puno naman ng balete ang madadaanan. Madalas ay tapak silang naglalakad or walang sapin sa paa. itutuloy.....

KALSADA

Image
HALAW MULA SA MAKUKULIT NA BATA kwento ni: Bun Boying ARAW ng Lunes, excited ng pumasok sa school si Inah. Unang araw kasi ng pasukan. Grade 4, na siya at dahil tuwang-tuwa siya sa mga bagong ballpen na mabango, crayola, lapis, color pencil, at syempre bagong bag. Gustong-gusto na niya itong masubukang gamitin sa eskwelahan.   "Inay...inay...anong oras na ho?" tanong ni Inah sa nanay nito na si Aling Mila. "Alas Sais Biente(6:20AM) na, bilisan mo at baka ma-late ka sa pagpasok mo." sagot ng nanay nito. Kumakain na ng almusal  si Inah ng nakakamay at nagmamadali, na parang mauubusan ng oras. Tapos na kasi syang maligo at pagkatapos kumain ay toothbrush na at sabay aalis na ng bahay pagkatapos magpaalam. Pagkatapos nitong kumain ay agad nang nagpaalam sa nanay nito. "inay...aalis na ho ako." paalam nya. "O sige anak, wala ka na gang nalimutan? Yung papel mo? yung ballpen mong Bic? Yung notebooks mo kumpleto ga?" ayan ang paalala ng nanay nya...

KABABATA

Image
MULA SA KABUKIRAN story by father jiggs Maaga pa lang ay excited ng nagising si Rico, araw na naman kasi ng sabado at walang pasok sa eskwela. Pagkakataon na naman para mabigyan ng oras ang sarili para maglaro ng maglaro. "Ano kaya ang mga mapaglalaruan namin ngayon maghapon?" ito ang agad na pumasok sa isip ng batang paslit pagkatapos nyang maghilamos at bumaba ng hagdan ng bahay nila habang nakatanaw ito sa bukid nila. Malamig ang hangin na nararamdaman nya sa mga balat nya habang tinatanaw nya ang mga dulo ng damo na may mga munting butil ng hamog. Parang mga snow sa malayo kung sisipatin ang mga ito, dahil sa maliliit ito at puro nasa dulo lang ito ng bawat peraso ng dahon. SIYAM(9) na taong gulang pa lang si Rico , grade 3 na siya sa eskwela. simpleng bata, curious sa maraming bagay, di naman gaanong makulet, pero mausisa sa nanay at tatay nya. Marahil  ay maraming bagay ang iniisip nya na gusto nyang mabigyan ng malinaw na kasagutan. "Rico ... Ric...

WHO WERE YOU IN YOUR LAST LIFE?

WHO WERE YOU IN YOUR LAST LIFE?