KABABATA
story by father jiggs
Maaga pa lang ay excited ng nagising si Rico, araw na naman kasi ng sabado at walang pasok sa eskwela. Pagkakataon na naman para mabigyan ng oras ang sarili para maglaro ng maglaro. "Ano kaya ang mga mapaglalaruan namin ngayon maghapon?" ito ang agad na pumasok sa isip ng batang paslit pagkatapos nyang maghilamos at bumaba ng hagdan ng bahay nila habang nakatanaw ito sa bukid nila.
Malamig ang hangin na nararamdaman nya sa mga balat nya habang tinatanaw nya ang mga dulo ng damo na may mga munting butil ng hamog. Parang mga snow sa malayo kung sisipatin ang mga ito, dahil sa maliliit ito at puro nasa dulo lang ito ng bawat peraso ng dahon.
SIYAM(9) na taong gulang pa lang si Rico, grade 3 na siya sa eskwela. simpleng bata, curious sa maraming bagay, di naman gaanong makulet, pero mausisa sa nanay at tatay nya. Marahil ay maraming bagay ang iniisip nya na gusto nyang mabigyan ng malinaw na kasagutan.
"Rico...Rico....Rico...." Tawag ni Aleng Pareng na nanay ni Rico, "Ho...." sagot ni Rico, "Nasaan ka gang bata ka? Kanina pa kita hinahanap at tayo'y mag-aalmusal na, eke'y pumanhik na dene at kakain na." dugtong pa ni Aling Pareng. "Oho..." sagot ni Rico.
Mabilis silang nagsalu-salo sa hapag kainan, Nagluto ng bulanglang ang nanay nya tapos may bagoong na sawsawan naman na isinalin si Mang Abel.May inihaw na tuyong isda naman sa kabilang platito..."O ayan...kain na kayo at nandyan na rin ang bagoong at hiniwang calamansi para may sawsawan." Ani ni mang Abel. "Ay Inay...gay-an na naman ga ulit ang ulam natin? Kailan kaya tayo makakatikim ng karning baboy, ay akoy nagsasawa na sa tuyo araw-araw eh..." wika ni Rico. "Iyo na munang pagtiisan yan, kung sakaling maging maganda ang pamumunga ng calamansi natin at sinturis ay makakabili tayo ng karne...kaya ika'y kumain ng mabilis at nang makapunta na kayo ng tatay mo sa kalamansian at kayo ay makapagtabas-tabas doon." pagmamadali ni Aling Pareng, na ikinalungkot naman ng mukha ng batang paslit. Kasi ibig nitong maglaro; dahil araw naman ng Sabado.
"Inay...naman eh....ay di-gay sabado naman ngay-on, baka naman pwedeng akoy magpunta kina Rina para naman makasali ako sa laro nila..." hirit ng bunso. Bandang huli'y pumayag na rin ang ina, na maglaro ang paslit sa kapitbahay na matatawag. Kahit na mga kalahating kilometro ang layo. Ganun sa probensya nina Rico, magkakalayo ang mga magkakapit-bahay.
Si Rina malimit ang kalaro nito kapag walang pasok, di kalayuan ang bahay nito sa kanila. Bagama't di tanaw dahil natatakpan ng mga dahon ng halaman. Grade 2 si Rina at Grade 3 naman si Rico.
si Rico na lang ang naiwang sa Mag-asawang Abel at Pareng. Lumuwas na ng Maynila ang 3 nilang mga anak para magtrabaho after ng High School. Late na kasing nasundan ng bunso, kaya malayo ang agwat ni Rico sa mga kapatid nito.
Matapos kumain ay nagmamadali nang umalis si Rico para maglaro kina Rina..."Hoy...Rico...Rico ..bumalik ka nga rene..." malakas na tawag ni Aling Pareng...."Bakit ho???" tanong ng nagtatakang bata.
"ikaw ay manalamin muna, bago ka umarangkada...Aba! eh tingnan mo nga yang suot mo. Kahapon pa yan ah..tapos yang short mo, butas ang puwetan, sira pa ang zipper...ay ....naku...maghalamos ka muna at magmumog...amoy bagoong ka pa..magpalit ka nga muna." sermon ng ina nito, habang palihim namang napapangiti sa anak.
Maya-maya pa'y narinig na lang ni Aling Pareng na may tumakbong bata sa likod-bahay. Si Rico pala yun...na tumakas sa kabilang pinto...matapos magpalit ng short. Pero di na nagpalit ng damit. Napakamot na lang sa ulo si Aling Pareng...habang tanaw-tanaw ang tumatakbong bata.
Nang makarating si Rico kina Rina ay nakita nito ang Nanay ni Rina na si Aling Nena na nagwawalis ng bakuran. Medyo mabagal ang hakbang ni Rico. 'Aling Nena magandang umaga po... nandyan po ba si Rina , pwede po ba kaming maglaro?" sambit nito. "Magandang umaga naman Rico...nandun siya sa tindahan...pinagbabantay ko muna habang ako'y nagwawalis dito...tuloy ka na lang dun...kumain ka na ba?" dugtong na tanong ni Aling Nena. "Opo..opo..tapos na po kaming kumain..." sagot naman nito. At tumuloy na nga siya sa Tindahan ni Aling Nena.
"Rina ...Rina ...Rina..." tawag ni Rico. "Oh Rico, ikaw pala...bibili ka ba?" tanong ni Rina. "Ito naman... wala nga akong pera eh...paano ako makakabili? pwede ba tayong maglaro?" tanong ni Rico. "Oo pwede naman, pero mamaya lang pagkatapos ng nanay kong magwalis." sagot ni Rina .
Malimit na magkalaro ang dalawa, naglalaro sila ng mga larong bahay, nanghuhuli sila minsan ng tutubi sa tabing bahay, tipaklong, kurukotok sa silong ng bahay, paru-paro, gumagawa minsan ng sarangola at si Rina ang taga hawak para ihagis pataas, sipa, holens, jack stone, pitik ng rubber bond, sabong ng dahon ng gabi, elisi na gawa sa dahon ng damo, bahay-bahayan, sumpit. At kung anu-anong pang mga maisipang laro na magbibigay libangan sa kanila.
Sa Bandang di kalayuan naman ay may malaking ilog, naliligo din sila dun at nangunguha ng snails, nagpapalipad ng malapad na bato sa ibabaw ng tubig, umaakyat sa gilid na pader ng ilog para mag-dive, nangunguha ng itlog ng ibon sa mga butas ng pader, nag-slide din sila minsan sa may gilid at maputik na bahagi ng pader na ang babagsakan ay tubig, sakay ng palapa ng niyog.
May mga puno din sa tabing ilog na kung tawagin ay "Agupanga", na kapag namunga ay kulay red na bilog-haba ang hugis, masarap ang matamis ang bunga nito, kaya nangunguha rin sila nun. Excited silang manungkit nung bunga ng agupanga kasama ang mga kaibigan nila.
Minsan naman ay iba ang trip nila, tipong maasim, kaya namimitas sila ng calamansi, citrus, at bunga ng Dao kung talagang asim ang gusto, bunga naman ng kamias na isinasawsaw sa bagoong kung minsan, o kaya ay mangga at indian mango. Marami kasing pwedeng kaining maaasim. O kung anong trip ng panlasa nila.
Minsan naman ay sama-sama silang mga magkakaibigan na kumain ng buko, mag-ihaw ng niyog, mag-gata ng bagoong sa bao ng niyog, manguha ng uraro, manguha ng bunga ng tagbak, manguha ng star-apple, guyabano, maghukay ng laman ng mga ligaw na kamoteng-kahoy, maghukay ng laman ng ligaw na singkamas at mamitas ng balingbing. Ganyan ang mga nagiging trip ng mga magkakabigan pagdating sa prutas. Iyan kasi ang mga prutas na malimit mamunga.
May mga prutas din silang madalang matikman o isang season lamang sa isang taon nila natitikman, gaya ng panahon ng August. Na panahon ng prutas, nandiyan ang rambutan, marang, durian at lansones.
Ganyan ang mga pangyayari habang lumalaki sina Rico at Rina. Maraming mga larong napaglilibangan ng elementary sila, nandyan na yung mga larong walang kamatayang sipa, patintero, bihagan, taguan, running, at syempre ang di nila malilimutang laro kapag tapos na ang klase at pauwi na sila. Ang pagtulay sa pilapil ng palayan o habulan sa pilapil habang pauwi na. Ang mahulog at mahina ang panimbang ay siguradong laglag sa putik at uuwing umiiyak at putikan ang damit. Napapaligiran kasi ng palayan ang eskwelahan nila.
Lumipas ang mabang panahon, nag-high na sila at nagkahiwalay na ng schedule, naging busy na sila sa pag-aaral, dahil magkaiba din sila ng year level. Nagkakakwentuhan na lang sila ni Rina kung Sabado at Linggo at kung nagpapatulong sa mga projects ang bawat-isa. Nagdadalaga na si Rina, at nagbibinata na rin si Rico. Magkabarkada pa rin ang dalawa. Nagkukwentuhan sa mga crush nila sa school at kung anu-anong mga opinyon sa mga teachers nila. Kanya-kanyang bansag sa guro, at kung anu-anong tawag sa mga subject na tinatalakay.
Hanggang sumapit ang graduation, masaya ang lahat nagkaroon sila pareho ng honor nung guma-graduate sila, bagamat unang naka-graduate si Rico. After graduation ay di nakapag-aral ng college si Rico, nasa bukid lang siya at katulong ng mga magulang nya pagbubukid. Makalipas ang isang taon ay nakatapos na rin ng high school Rina.
"Rico...Rico..." tawag ni Rina, habang si Rico naman ay nagsisibak ng kahoy. Pansamantalang tumigil si Rico at pinunasan ang pawis na tumutulo sa mga mata nya. "O bakit Rina?" nagtatakang tanong ni Rico.
"Anong plano mo Rico, mag-aaral ka ba ng college? Ako kasi ay magbabaka-sakali sa Maynila...titira muna ako sa tita ko doon, at kung papalarin ay magtatrabaho para makaipon ng pang-support ko sa sarili ko...gusto ko kasing makatapos ng college...mahirap ang buhay dito, kailangang mabago ko ang aking kapalaran...dahil kung mananatili ako dito, tiyak na di ako makakapag-aral at sa bukid din ang bagsak ko...ayoko ng ganun lang ang buhay ko...gusto kong mag-aral at magtrabaho sa opisina..." ani Rina, habang malungkot ang mukha sa pagsasalita. At sumagot naman si Rico "Gusto ko ring mag-aral at makatapos ng college...ayaw ko rin dito sa bukid....gusto kong matuto ng maraming bagay, at magkatrabaho gaya mo sa opisina...yung ibang mga classmates ko ay mag-aaral daw ng Nautical, yung iba daw ay guro ang gusto at midwifery yung iba. Ako ay wala pang alam na course sa college at wala ring maisip na paraan para makapag-college pa. Di ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko..." matamlay na sagot ni Rico, habang nakatingin sa malawak na palayan. Matapos ang mahabang kwentuhan ng dalawa,hindi na rin natapos ni Rico ang sinisibak niyang kahoy, at nagpaalam na rin pauwi si Rina.
Lumipas ang ilang Linggo, hindi na nakikita ni Rico si Rina, hindi na rin nya napapasyalan ito sa tindahan ni aling Nena. Dahil sa iba-iba naman siyang lugar umi-extra ng trabaho. Kapag napapadaan naman siya sa tapat ng tindahan ni aling Nena ay simisilip lang sya dun, pero wala si Rina at malimit walang tao..
Hanggang makalipas ang isang buwan. "Tao po...tao po...Aling Nena...nandyan po ba si Rina?" tawag ni Rico. "Naku wala dene ang mag-ina, ako laang ang naiwan dene utoy eh..." sagot ng isang matandang lalaki ang narinig ni Rico. Si Ka Carding pala yun, ang Tatay ni Rina. "eh...Saan po sila nagpunta?" tanong pa ni Rico. "Sinamahan si Rina sa Maynila at dun daw muna titira." ani Ka Carding. "Ahhh..siya...paki-kamusta nyo na lamang po ako kay Rina, at hindi na rin po ako magtatagal. salamat po ka Carding." Matamlay na umuwi si Rico, laglag ang balikat. Dahil, last na pala yung pag-uusap nila ni Rina, nung nagsisibak siya ng kahoy.
Lumipas ang ilang buwan at nagdesisyon na rin sa Rico na umalis ng bahay, nagpaalam sa mga magulang at nagtrabaho kung saan-saan.
Napadpad sa Bayan ng Santa Monica, nakapagtrabaho sa isang food chain habang nag-aaral sa gabi. Nagtitiyaga syang tapusin ang course nyang Bachelor in Multimedia Arts sa Santa Monica State University. Hanggang di na nya napansin na isang linggo na lang at graduation na nya. Marahil ay marami rin siyang iniisip noon. Marami sya naging girlfriends, pero di rin tumatagal dahil di sila nagkakasundo or di nila maunawaan ang gusto ni Rico. Focus kasi sya sa work at pag-aaral. Malimit syang nagti-text sa mga magulang niya sa probinsya at kinakamusta rin nya si Rina doon. Pero walang Rina sa probinsya. Walang updates ang parents nya tungkol kay Rina.
Bukas na ang graduation, darating na mamayang gabi sina Mang Abel at Aling Pareng para umatend bukas. "Kriiiiinnnnnnggggggg....krinnngggggg...." nag-ri-ring ang cellphone ni Rico, hindi nakaregister sa cellphone nya ang number na yun...agad naman nya itong sinagot..."Hello....hello...hello.." medyo pangit ang signal...kaya di nya gaano marinig ang kausap, lumabas siya ng bahay at..."hello....sino po ito..." ani Rico. "Congratulations...graduation mo na pala bukas..." sabi ng kausap..."salamat po...sino po sila?" tanong ulit ni Rico. "...hulaan mo muna...si secret ito..." hindi mapakali si Rico, pero palakas ng palakas ang kabog ng dibdib nya...hindi nya maintindihan kung bakit..."hoy ..ano na???...still there..nawawala ka na yata? wala akong marinig eh???" sabi ng kausap. "hindi..hindi...medyo nag-iisip lang ako..kung anong pangalan mo...eh wala pa kasi akong maisip...pasensya na....pero sino talaga ito???" pahabol na sagot ni Rico. "basta...basta...sige..mauubusan na me ng load...congratulations huh..." biglang nawala ang kausap, naiwan pa ring nag-iisip si Rico, di alam kung sino yun, ay bakit subra ng kabog ng dibdin nya.
Kinabukasan, graduation na...tinawag na sa stage ang pangalang Rico...hanggang sa makababa sa stage ay masayang masaya siya dahil, nakagraduate na rin sya ng college. Pero iba pa rin ang pakiramdam nya, parang lumutang ang utak nya dahil sa isang tawag na yun. Parang tulala sya na hindi maintindihan ang nararamdaman. Muli ay naupo na sya sa upuan nya.
Maya-maya pa ay tinawag siya ni Aling Pareng, may naghahanap daw sa kanya sa labas. Lumakas na naman ang tibok ng puso nya, dali-dali syang lumabas at maya-maya ay may nakita syang isang maganda at kaakit-akit na babae. Naka-shades ito. Nagdadalawang isip siya na lapitan ito, kasi baka mapahiya sya, Pero..."Excuse po...miss ikaw ba ang naghahanap kay Rico? " tanong nya... "ay oo ako nga...nagpunta talaga ako para dalhin itong regalo ko sayo... at para personal kang batiin...hehehe" sabay abot sa regalo..."ah... eh...ano pala name mo miss?" tanong ng nangingilalang si Rico. "Hoy Mr. Ricardo Madlangbayan, hindi mo pa rin ba ako nakikilala?" sabay alis nito ng shades na suot nito. "Rina!!!...Rina!!!...ikaw bayan? " pero sabay na yakap na pala sya dito...nagulat din si Rico sa sarili nya..."yehey!!!...yahoooo!!! sa wakas nahanap rin kita...este nahanap mo pala ako....ang saya-saya ko. nakita ko ang taong pinakamamahal ko...." sabay tikom ang bibig na mukhang napahiya sa nabanggit nya ng hindi sinasadya....sabay sabi ni Rina..."Aray!!!!...napipisa ako Ricardo...Oo ako nga ito si Rina. hoy...wag kang maingay nakakahiya..hindi ka pa nanliligaw eh...panay na ang yakap mo....manligaw ka muna....hahaha" sambit ni Rina. "Hindi mo ba ako nahalata kagabi nung kausap mo ako, at wala ka bang naramdamang kakaiba habang kausap mo ako." pahabol pang tanong ni Rina habang pauwi na sila mula sa school graduation.
Naging masaya sila nang makarating sa bahay, napuyat sa maraming kwentuhan. Si Rina pala naman ay nakatapos na rin ng BS Accountancy sa Adamson University, at isang Accounting Officer na sa isang Firm sa Maynila. Wala pa ring Boyfriend.
Lumipas ang ilang buwan ay natanggap na rin agad si Rico sa isang Movie 3D Editing Company. Marahil ay dahil na rin sa matataas nitong grades nung college, kaya hindi ito nahirapang matanggap sa trabaho.
Di nagtagal ang panliligaw ni Rico kay Rina at nagpakasal na rin sila. Bumalik sila sa probinsya at dun nila ginawa ang kasalan. At pagkatapos na ilang linggo ay bumalik na sila sa Maynila, para magrabaho ng muli.
Ito ang kwento ng magkababata.
-The End-
Comments