KALSADA
HALAW MULA SA MAKUKULIT NA BATA
kwento ni: Bun Boying
ARAW ng Lunes, excited ng pumasok sa school si Inah. Unang araw kasi ng pasukan. Grade 4, na siya at dahil tuwang-tuwa siya sa mga bagong ballpen na mabango, crayola, lapis, color pencil, at syempre bagong bag. Gustong-gusto na niya itong masubukang gamitin sa eskwelahan.
"Inay...inay...anong oras na ho?" tanong ni Inah sa nanay nito na si Aling Mila."Alas Sais Biente(6:20AM) na, bilisan mo at baka ma-late ka sa pagpasok mo." sagot ng nanay nito. Kumakain na ng almusal si Inah ng nakakamay at nagmamadali, na parang mauubusan ng oras. Tapos na kasi syang maligo at pagkatapos kumain ay toothbrush na at sabay aalis na ng bahay pagkatapos magpaalam.
Pagkatapos nitong kumain ay agad nang nagpaalam sa nanay nito. "inay...aalis na ho ako." paalam nya. "O sige anak, wala ka na gang nalimutan? Yung papel mo? yung ballpen mong Bic? Yung notebooks mo kumpleto ga?" ayan ang paalala ng nanay nya. "Opo inay...natingnan ko na ho lahat...ay...inay ako nga ho pala ay walang pangtasa ng lapis, yung gang ipinapasok ang lapis at pinapaikot. Ibinili nyo ho ako nun...baka kasi mapudpod agad lapis ko e." pahabol pa nito sa ina, habang patakbong umalis ng bahay.
Matapos ang kalahating oras ay nakarating na rin sya sa Matungao Primary School. Maraming mga bata, may ilang bagong mukha at marami dito ay mga dating kaklase na nya nung grade 3. Pumunta sya sa dating silid nila nung grade 3, tipong pina-flashback nya ang buhay nya dito nung isang taon. Nakasilip sya sa bintana at tinitngnan ang mga bagong mukha na nasa loob nito. Naaalala pa niya yung kakulitan nya noong isang taon na binato sya ng titser nya ng chalk na tumaba sa ilong nya, at nag-iwan ng puting marka. Na pinagtawanan naman ng mga kaklase nya noon. Mukhang ilong ng pusa kasi ang naging hitsura nito. Nag-iisip pa sya habang dala ang backpack nya nang...
"Inah...Inah...Inah...bakit nandyan ka? Dun na ang bagong classroom natin, sa kabilang building...hehehe" pasigaw na tawag ng classmate nyang si carmie. "Oo sabi ko nga eh...." sagot nito. Sabay lakad na patungo sa tinurang building ng kaklase nito.
Matapos makarating sa room ay pumili na siya ng upuan at inilapag dito ang bag nya. Naupo muna sya saglit at para ipahinga ang likod nyang nangalay na rin. Nagmasid-masid muna sya sa ilang kaklase. Yung ibang grupo ng kababaihan ay abala sa paglalaro ng jack stone, yung iba ay nagkukwentuhan, yung mga lalaki naman ay nasa labas. Nasa labas ang marami, may naglalaro ng sipa, may nagho-holens sa gilid ng pader ng building, yung iba naman ay abala sa pagtipak sa bagkat na pagkain sa tindhan ni Aling Waway, na katabi ng eskwelahan.
"Good Morrrniinnnng mam...." narinig na lang nya bigla ang mga kaklase. Dumating na pala ang titser nila na si Miss Landicho. "Good Morning class, kumusta ang bakasyon nyo?" ang unang bati agad ng guro.
"MABUTI ...po..." sasabay na sagot ng mga bata, may mga nagbulungan din.
Matapos noon ay nagtuloy na ang klase, hanggang tanghalian na. Tumunog ang bell nang bandang 12:nn, oras na ng tanghalian. Nagkanya-kanya ng labas ang lahat, yung iba ay nagtuloy kay Aling Waway na tindahan para bumili ng bagoong. 0.50c na bagoong din ang binili ni Inah kasama si carmie na nagtuloy sa likod ng school. Nanguha muna ng ilang calamansi para ipiga sa bagoong na ulam nila sa tanghalian. Minsan-minsan ay ganito ang trip nilang ulam. Kasi kung minsan pritong itlog o kaya naman ay pritong toyo naman ang ulam nila.
Matapos ang tanghalian ay balik classroom para maglaro. Pinaglaruan nila ang mga dahon ng halaman na parang pera nilang itinuring at magluluksong garter naman kapag sawa na sa naunang laro. Ganito malimit sina Inah, carmie, nora, agnes, rove. Sila ang malimit magkakalaro sa classroom.
Nang hapon na after ng flag retreat ay umuwi na rin ang mga bata. Nilalakad lang nila mula school hangang sa bahay nila sa kabilang ilog. Maalikabok ang daan at mabato. "Bakit kaya ganito ang daan?" tanong ng isa. "Baka may nagbu-bulldozer." Singit ng isa pa. Nagtakbuhan sila hanggang marinig nila ang ingay ng isang malaking makina. Lalo silang nagmadali at di nagtagal ay inabot na nila ang sanhi ng pakakadurog-durog ng lupa sa daan. May ipinadala palang Gridder si Mayor para ayusin ang sira-sirang daan. Dahil mabagal ang andar nito. Tuwang-tuwa naman ang sina Inah, Carmie, Rodo at iba pang mga bata sa pagsunod dito. Maya-maya pa ay..."Aray...Aray...!!!..." sigaw ni Rodo...." napalingon ang lahat, sabay nagtawanan ang mga bata at sinabing... "Ay lampa...lampa...lampa...hahaha..." nadapa pala si Rodo, lampa kasi ang tingin nila kay Rodo.Mabilis din namang nagpagpag ng alikabok si Rodo at hindi pinansin ang panunukso ng mga kaklase. Sumunod muli siya sa gridder gaya ng iba. Pero bago pa nga nakauwi ay maraming beses pa ring nadadapa at muling bumabangon.
Lumipas ang ilang buwan, gumanda na ang daan at maraming beses ding nadadapa at bumabangon ang mga batang palaging sumusunod sa gridder. Ito na naging malimit nilang nakagawian kapag pauwi na. Hanggang matapos na nila ang pasukan.
"Sa ating buhay man, tayo ay nadadapa rin...pero wag nating kalimutan na walang bayad ang bumangon. Hindi rin tayo palaging lampa habambuhay. Maging malawak lang ang isip natin at tayoy makakabangon ng maayos."
Salamat sa mga batang nagbigay ng kanilang kwento at naging bahagi upang ipaalala ang leksyon ng pagbangon sa kahit na anong "KALSADA" pa ang daanan natin.

Comments