SI BANTAY
SI BANTAY
(Our Guard Dog)
Isang araw matapos ang mahabang paglalakad patungong eskwelahan, at matapos matawid ang 15
tawid na ilog na paliko-liko ay narating ko rin ang school namin. Halos madapa ako sa pagmamadali sa paglalakad dahil malapit ng mag-bell.
BACKGROUND:
Happy Valley Primary School, yan ang lagi kong nakikita sa tuwing aakyat ako sa halos mahigit 20 steps na hagdang semento pataas, bago ko pa maabot ang hanay ng mga classrooms.
Halos mapigtas na ang tsenelas ko sa pagmamadali. Palingon-lingon, nagbabakasakali na may makasabay na school mates ko. Grade-2 na ako noon.
Di nagtagal matapos kong makarating sa classroom at makapagpahinga ng kunti ay tumunog na rin ang bell. "Ting...ting...ting..." time na para sa flag ceremony. Naglabasan na ang lahat mula sa classrooms ng 3 kwarto. Maliit lang ang school namin, may kalumaan na. Sementadong pader ang humahati sa bawat rooms. Sa itaas naman ay may mga makakapal na flat bars na ginawang grills. Hindi sagad sa taas ang semento, kalahati lamang ito. Sa dalawang sides naman ng school ay mga ibat-ibang puno, gaya ng niyog, balingbing(star fruit), santol,
mangga, saging at mga pandan. Sa bandang likod naman ng school ay medyo pataas na burol, na
maraming kugon at pagdating sa taas naman ay pababa na ulit ang lupa.
Sa likod ng burol ang aming laruan ng slides, gamit ang palapa ng niyog. Ginagamit namin ang
palapang yun na slide-board, sinasakyan ng paupo. maikli ang putol ng slide-board
namin...paang bumber ang unahan at mga 2 metro naman mula sa bumber ang putol. Kapag nag-i-
slide kami dito ay tuwang-tuwa na kami kasi, para kang ring nakarating mga mamahaling
palaruan. Nayuyupi ang mga kugon, at nagiging madulas ito kapag natuyo. Kaya kapag tuyo na,
masarap na ang slide-boarding namin.
Ito rin ang madalas na dahilan kaya kami napapalo ng teacher namin noon. Kasi pagpasok namin sa classrooms ay mababaho at pawisan, tapos ang dumi ng damit. Matapang ang teacher namin noon, kaya malimit at may palo kami kapag late na nakapasok sa classroom mula sa slide-
boarding( di alam ni teacher yung laruan naming yun).
Minsan sa aming klase ay nagkaroon ng talakayan tungkol sa amin mga paboritong alaga.
Napagkasunduan na lang na isa-isang makukwento ang bawat bata sa unahan tungkol sa kanilang
paboritong alaga. Matapos maayos ang napagkasunduan ay nagbigay na ng schedule si mam at umpisa sa susunod na Lunes ay isa-isa ng magkukwento.
Araw ng lunes na, nag-umpisa na ang kwento sa pamamagitan ng palabunutan. Si Mam ang unang
bubunot ng pangalan mula sa box, at yun ang magiging basihin kung sino ang mauuna.
Pagkatapos ng nauna ay sya naman ang bubunot, para sa susunod na magkuuwento. Kabado ang
lahat.
Unang tinawag si Edwin, tahimik ang lahat. Nagkwento sya tungkol sa alaga nyang labuyo na
nagbibigay saya sa kanya sa tuwing dinadala niya ito sa gubat. Sunod naman ay si Dolfo na
isang katutubo, nagkwento naman siya tungkol sa paborito nyang alagang ibon, na sa tuwing
maririnig nya ang huni ay nagbibigay ng kakaibang tuwa. Si Marivic naman ang sumunod,
nagkwento sya tungkol sa alagang nilang kalabaw na katulong nila araw-araw sa paghila ng
poltego, kariton at minsan ay paragos or karmata. Si Delia naman ay ganun din ang kwento. Si Carmela naman sa alaga nyang pusa. Marami pa ang nagkwento at nagbigay ng inspirasyon hanggang marinig ko na ang pangalan ko.
Ganito ko sisimulan ang aking kwento:
Ang paborito kong alaga ay tinatawag naming si Bantay. Siya kasi ang laging nakabantay sa
aming bahay...may maliit kaming kubo, at sa silong ng bahay namin ay may isang bahagi dun na may latag ng maong na lumang pantalon...dun lagi nakaupo si Bantay...kapag may bisita
kumakahol sya, malimit kung gabi ay nakakasagupa nya ang python na malimit umaatake sa mga alaga naming manok. Kulay puti si Bantay, mabait na aso. Hindi ko na maalala kong sinong nag-regalo sa amin nito. Karaniwang asong native siya na medyo malaki. Minsan ay sumasama din sya sa amin sa bukid, hunting dog naman sya, nakahuli ng tikling at minsan ay bayawak.
Si Bantay na kasama namin ay minsan din naman na nagiging pastol. Marami kaming mga baka
noon na nakakulong sa malawak na toril(kulungan), kapag inihagis ng tatay ko ang bato sa direction ng baka na pasaway, alam na nya ang kailangang tahulan ang baka para bumalik mula sa pagtakas nito. Itinuring namin syang isang kapamilya, may share din sya sa kung anong kinakain namin. Kung kumakain kami ng inahaw na kamote, kumakain din sya...basta strike anywhere din si Bantay. Malapit sa ilog ang bahay namin pero malayo sa lugar ng mga
sasakyan. Kapag sa kaingin naman namin ay taga-bulahaw siya ang mga unggoy na naninira ng
mga bagong-tanim namin. Kumakahol...habang ang mga unggoy naman ay nagmamadaling umakyat sa
mga baging pataas ng mga puno. Takot sila sa kahol ng aso.
Minsan ay umalis kaming lahat, naiwan si Bantay sa bahay. Naglalakad na si Inay noon, pero
di pa nakakalayo ng bahay ay biglang nagkakahol si Bantay, lumapit sya kay Inay...hinagpos
naman ni Inay si Bantay...pero ang hitsura ni Bantay ay parang worried sya na gustong wag na
kaming umalis. Bagama't ganun ay may naramdamang kilabot sa mga balahibo ng Inay...naisip nya na parang isang babala ang kahol ni Bantay. Maya-maya pa ay pinauwi na rin ni Inay si Bantay at umalis na rin kami.
Bandang mga 4:30am ng madaling araw nung dumating kami sa highway. May service na nakaparada dun. Biyaheng Victoria yun. May ilang mga kakilala na naming pupunta ng bayan ang nasa loob na ng SEMARON(sinaunang FX), bumili muna ng yosi ang tatay ko, ako naman ay sumama para magpabili ng White Rabbit na candy. Ang nanay ko naman ay nakaupo na malapit sa pinto ng sasakyan. Maya-maya's biglang bumaba si Inay at sumunod sa amin sa tindahan. Nagpabili ng Snow Bear na candy, para naman daw meron din sya sa bulsa. Habang kausap namin ang tindera na si mrs. soriano ay biglang may narinig kaming malakas na sigawan...
"ay!!!!...Ay!!!! ang jeep...tumatakbo ng walang driver!!!! driver ...!!! driver !!! nasaan ka?!!!....??????" pagtingin namin ay mabilis na nga dumadaus-dos sa pababang kalsada ang SEMARON...nasa loob nito ang ilang kababaihan...hanggang "Blag!!!...Blagggg!!!...Booommmmm!!!!" ang mga tunog na narinig namin...tunog ng sasakyang bumulusok sa bangin ng kabilang kalsada...kasunod ang mga iyakan ...dali-dali kaming nagpunta sa malapit na bangin ng kinahulugan ng jeep...nakita namin ang mga bali-baling puno ng kahoy at saging...mga dugo...
Mabilis na sumaklolo ang mga barangay, isinugod nila kaagad ang mga biktima sa pinakamalapit
na pagamutan. Sa pangyayaring yun...na realized ni Inay na maaring yun ang isang ibig
sabihin ni Bantay. Kaya laking pasalamat pa rin ni Inay dahil hindi sya nakasama sa
bumulusok na jeep. Marami ang naging paraletiko sa sakunang yun. Nagpasalamat kami sa Diyos
sa pagliligtas nya sa amin.
Si Bantay naman ay nanatiling nasa bahay ng mga time na yun. DAY 2: hindi pa kami nakakauwi
ng bahay. Gutom na si Bantay, di na mapakali sa bahay. DAY 3: Nanginginig na ang katawan ni
Bantay, Gutom na...nahukay siya ng mga butas sa silong ng bahay, nagbabaka sakali na may
pagkain. DAY 4:Dahil sa subrang gutom ay nag desisyon na si Bantay na pumunta sa gubat,
naghuli sya ng makakain nya, ibon, daga, at kung anong makakabusog sa kanya. DAY 5, 6:
naghunt na lang si Bantay sa gubat tapos umuuwi ulit kapag busog na...DAY 7:Bumalik na kami
sa bahay, naawa kami kay Bantay. Puro bungkal ang mga lupa sa bahay namin..."Bantay!!!...Bantay !!!...Bantay!!!..." tawag namin sa alaga...pero walang dumarating...nagluto na lang si Inay ng pananghalian namin...maya-maya ay patakbong dumating si Bantay...subrang tuwa nya na nakita na naman niya ang mga kapamilya.
Isang Araw...habang nalalakad kami sa papunta sa bahay namin ay bumuhos ang malakas na ulan,
kasabay ang paglindol...nagkaroon ng pagguho sa mga bundok..tumakbo paloob ng bahay si Inay...dahil malakas ang ulan...eksaktong pasok nya sa bahay ay biglang may pumutok na
malakas...galing sa bundok...biglang sabog ng kabundukan namin, tumabon sa bahay namin ang
mga putik...
"AWWW...AWWWW....AWWWW..."
tahol ni Bantay habang patakbong hinbol ni Bantay si Inay na nasa loob ng bahay namin...pero huli na...mabilis ang pangyayari...natabunan ng
putik ang paborito namin hero na si Bantay..habang ang bahay naman namin ay tinangay na ng putik patungo sa ilog, kasama sa loob si Inay.
Magkakahalong pagkalito ang pakiramdam namin..sumugod ang tatay ko ...pero muntik na rin syang matabunan ng lupa...subrang iyak ako ng iyak...walang maisip...pinaghalong lamig at
pagkahilo...
Namatay si Inay sa lunod sa bahang ilog si Bantay naman ay nalibing ng buhay sa putik,
bagama't nahukay si Bantay, Huli na ang lahat.
Yan ang aking kwento tungkol sa kabayanihan ng aming alaga...kalakip ang kamatayan ni Inay at Bantay.
CLASSROOM SETUP:
Ito ang kwento ng paboritO kong alagang si Bantay. Kasunod ang malakas na palakpakan ng
aking teacher at mga kaklase. Biglang balik sa malakas na kwentuhan ang mga kaklase ko,
malamang ay nagpapalitan ng opinyon tungkol sa aking kwento.
Lessons: Loyalty & Values
-End-
(Our Guard Dog)
story by father jiggs

Comments
(janeth)