SI WIN-WIN - step1
story by father jiggs
PART-1 ---------------------------------------------
Isang araw habang nagkaklase si titser, late ng nakarating ng school ang kapatid kong si Win-Win. Sabi ng teacher nya...
"Win-win bakit ngayon ka lang dumating??? Alas-10 na ng umaga....? di ba dapat alas-7 ng umaga ang pasok mo?"
Win-win: Opo mam...alam ko po na dapat 7am nandito na ako...(malungkot na sagot nito)
Titser: E bakit ka na-late ???
Win-win: Nagkamot muna ng ulo..tapos sabay sabing..mam pwede ko po bang ipatong muna ang bag ko sa desk bago ako magpaliwanag ulit? nakangiting pakiusap ng bata...
Titser: halatang na nagulat din...kasi nga naman pagpasok pa lang ni win-win ..di na nabigyan ng pagkakataong makahakbang ng kalati man lang para makaabot sa desk nito....
ah...o sige..sige...sagot ng titser.
Win-win: E mam, kasi po wala kaming bigas sa bahay...tapos...wala pa rin pong tubig..kaya nag-igib muna ako mula sa kulo-ong namin...bago ako ay naghintay pa na mabuksan ang tindahan ni aling juaning ..para makautang ng isang kilong bigas...pero mam bago pa po ako nakautang ay ... maraming sermon pa po ang inabot ko...di ko nga ho naintindihan yung ibang sinabi e..kasi may malaking sigarilyo syang parang kinakain...pagdating ko pa po sa bahay...nagluto pa po ako....habang nagluluto po ako...namitas na rin ako ang talbos ng san fernando, para po may ulam na rin akong iluluto....Ay wala po pala kaming asin, vitsin at bawang...kaya bumalik po ako sa tindahan..pero kay aling celia naman...ayun ganun din po..pero sermon muna bago naka-utang...tapos po nagpa-late na rin po ako sa recess kasi..wala naman po akong pera...kaya ngayon lang po ako nakarating dito.
pakitulungan nyo naman si win-win...naguguluhan na sya e...ano ba ang pwedeng gawin sa kanya ni titser?
Comments