LATIGO NG BUHAY

story by father jiggs
----------------------------------------------

Di ko malaman kung paano ko sisimulan ang aking kwento...pero dahil hindi ko pa naiisip  ang mga salitang panimula nito ay mag-iisip muna ako ng mag-iisip....

PAALALA: Ang mga kwentong naisulat ng may akda ay hindi lahat tungkol sa magagandang karanasan lamang. Ito'y  Tumatalakay naman sa pangit na bahagi ng buhay na maaring ang ibang tao ay naranasan din nung kabataan pa nila. Pero sa bandang huli ay may mabuti pa ring leksyon ng karanasan.

Di ko pa rin maisip kung bakit nung 5-taong gulang pa lang ako ay pinag-aawayan ako ng nanay at tatay ko. Halimbawa may nagawa akong kasalanan, papaluin ako ng nanay ko...iyak naman ako...kapag narinig ng tatay ko...sasalubungin nya ang nanay ko at aawayin na...dahil ako'y pinalo.

Hindi ko maintindihan nun kung ano ang dahilan talaga at kailangang mag-away sila. Wala akong kapatid at walang kapitbahay. Walang kalaro kung ang mga alaga lang naming baka, kalabaw, aso, manok at labuyo. Ang libangan minsan ay maligo sa ilog ng Subaan na kung saan ay malapit lamang sa bahay namin. Mga 10 hakbang ba naman at ilog na...hehehe

Nung 6 na taong gulang na ako, namatay ang nanay ko sa pagkalunod sa ilog, dahil sa naguhuan at naitaboy sa ilog ang bahay namin kasama sya sa loob.

Mula nung namatay ang nanay ko, naging malupet na ang kapalaran ko ...nawalan ng direksyon ang paghahanap buhay ng tatay ko.

Malimit...


Boyinggggggg...Boyinggggg.......nasaan ka gang bata ka???? malimit na mainit ang ulo ng tatay ko...sasagot naman ako..."nandito po ako sa mga alaga kong baka..." sagot ko..."saglit lang mga baka..mukhang galit na ang tatay ko..babalik muna ako sa bahay..."  w*&lang*&&^*put*&^*^ kang bata ka kaninaaaaa...pa kitaaaa..hinahanaapppppp....itong sayo ...." sabay hagupit sa akin ng isang mahabang tali ng baka...."Aray!!!!! tay....wag po...di na po uulit...sabay sapo ko ng aking isang kamay ang ulo ko at isa sa puwetan ko....huhuhu....aray ko po.... ang sakit..." habang tinitingnan kong dahan-dahan ang  mga mapupulang marka ng lubid na pumulupot sa binti at at tagiliran ko....sabay sabi ng tatay ko..."sa susunod na tatawagin kita ..lalapit ka agad ha!!!!!...." sagot ko naman "ohooooo...habang pinapahid ko ang pinaghalong laway at sipon sa mukha ko....sabay sabi ng tatay ko "sige magluto ka na...." mabilis naman akong kikilos na di malaman kung alin ang uunahing kunin sa aming kusina....




Malayo ang bahay namin sa ibang mga kapitbahay...walang makakarinig kung umiiyak ako..tanging ang mga halaman at ang mga alaga naming hayop lamang ang saksi sa tuwing nilalapatan ako ng tatay ko ng parusa.

Dahil malungkot ang buhay..mahirap makipag-usap sa mga alaga namin...at dahil hindi naman sila marunong magtagalog...iba kasi language nila..may aw..aw..aw..may ..mooooo....mooooo....merong unga...unga.unga.... di ko naman maintindihan...

Kaya minsan naisipan kong magpunta ng kahanggan namin..nakipaglaro ako...nung mga unang linggo..ayos pa..pero nung napapalimit na... hindi ko napansin na sinundan na pala ako ng tatay ko...

Walang sali-salitang...may lumagapak na lang sa likod ko na isang palo...pakiramdam ko'y nalagot na yata ang mga ugat sa balikat ko...subrang sakit...may hapdi rin ang likod ko...maya-maya ay kinapa ko ang masakit na bahagi... pati sa likod...ramdam ko ang pagpaga ng balat ko...latay ito...pero nakatakbo na ako ng malayo sa tatay ko...umiiyak akong pauwi ng bahay namin....hanggang sa maka-akyat ng hagdan...akala ko'y tapos na ang paglatigo sa akin...pero mali ako...


"Ikaw na ****p***#@#@;**$# wag kang lalabas dyan!!!.." sigaw ng tatay ko...habang ako naman ay habag na habag sa sarili ko...biglang pasok ng tatay ko at sabay dinakot nya ako sa batok at idinapa..."walanghiya kang bata ka!!!" sabay hataw ng sunod-sunod sa puwitan ko...."arraaaaayyyyy!!!! tay!!! tama po!!! hindi na ho ako uulit!!!!...tayyyy!!!!!!!!!!" maya-maya pa'y tumigil na rin sa pamamalo ang tatay ko...paga at mainit ang puwet ko..pati binti ko ay may paikot ding marka ng hagupit.

Sa tuwing makakagawa ako ng pagkakamali ay ganun ang nararanasan ko. Minsan pinalalayas na ako ng tatay ko sa bahay...kasi mas mabuti pa daw ako sa ibang tao. Lagi din naman daw akong wala sa bahay.

Di niya alam na bilang bata ay kailangan ko ring maglaro, kailangan ko rin ng pagmamahal na galing sa puso hindi galing sa palo. Lumalaki akong di ko naranasan ang saya ng sinasabi nilang kabataan ko. 

Minsan dinadala ko na lang sa gubat ang alaga kong tandang para kausapin...subrang lungkot..tinatanong ko noon kung 

bakit ako laging pinapalo ng ganung katindi...ganun ba kalaki ang kasalanan ko? 

Bakit ako pa ang naging anak nila...?

Bakit di na lang iba? Bakit ako naghihirap..??? 

Bakit hindi na lang naging mabait ang aking magulang? 

Maraming tanong na tanging sa kaibigang tandang(manok) ko lang itinatanong..parang tanga lang ako...nakikipag-usap sa hayop na alam ko namang hind ito sasagot. Sana napanood ko na noon ang movie na "castaway" para mas nalaman ko pa ang mga dapat kong gawin.

Kapag magkasama kami ng tatay ko nung high school na ako..ikinahihiya ko na sya...dahil maraming beses nya na rin ako ipinahiya....ganun pala ang epekto ng isang malupet na magulang sa kanyang anak.

Di rin namin alam... kung paano makakakain, dahil malimit ay walang-wala kami, kahit isang kusing. kapag nagugutom na kami ay napunta na lamang sa niyugan para sumungkit ng buko, na syang magiging pangtawid-gutom namin.

Lumipas ang panahon...matapos ang aking high school sa Leuteboro National High School. Nakitira ako sa isang tiyahin ko sa laguna, may mga kalbaryo mang karanasan sa pagtira ko ng kalahating taon ay natiis ko naman. Mga asta lang naman na tatagain ako dahil sa sumagot ako sa kanila. Pero kinaya ko naman.

Di ko inalis sa puso't isip ko na sila pa rin ang simula ng pagtira ko ng Laguna. Marami mang insulto, pagturing sa aking tanga-tangahin. Tiniis ko lahat. Napatunayan ko naman sa sarili ko na mas matimbang pa nga minsan ang ibang tao kaysa kamag-anak. Dugo lang ang tanging connection para sabihing magkamag-anak kami. Pero ni minsan di ko naramdamang itinuring nila akong kamag-anak ng mula sa puso nila. Maaring sa dugo lamang yun.

Mas minabuti kong gumawa ng paraan para makalayas at magbago ang buhay ko...sa pamamaraang magtatrabaho ako bago ako magpatuloy ng pag-aaral. Di ko rin naman matatapos ang naumpisahan kong kurso noong nakatira ako sa mga kamag-anak ko.

Mas pinili kong mamuhay mag-isa at itaguyod ang sarili, kaysa umasa sa kanila na itinuring naman ang pagkatao kong isang tanga lamang.

Masyadong nalait ang pagkatao ko ng sariling kamag-anak ko pa naman...may mga panahong tinitigan pa ako "mula ulo hanggang paa" na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Sana alam lang nila yun.

Sila din ang nagpalayas sa akin nung nalaman nila na natapos ko na ang pag-aaral ko. Hindi nila matanggap na matatapos ng ituturing nilang tanga lang ang pag-aaral nito.

Ang Laban ko dito ay "laban ng emotion" hindi ka sinasaktang pisikal, pero niyuyurakan naman ang pagkatao.

Makalipas ang ilang buwan ay natanggap na rin ako sa trabaho. Ginugol ang oras sa trabaho...maliit man ang kita, ang mahalaga magkaroon me ng start experience sa work. Nagtutor ako ng computer, nag-work sa furnitures shop, naging ride attendant sa enchanted kingdom, nag-work as layout artist at marami pang iba.

Di nagtagal ay nagkapamilya na rin ako, nagkaroon ng dalawang anak sa piling Mary.

Lahat ng mga pangit na pagtrato sa akin ay naging bahagi na lamang ng nakalipas, at sinabi ko sa aking sarili na iiwasan ko na ring makisalamuha pa sa mga taong di naman nagbago ang trato sa akin. Ganun pa rin "Mula ulo hanggang paa." Napatawad ko na sila, pero di na maibabalik ang dati, tamang iwasan ko na lang, para di na makapag-dulot psychological stress.

Hanggang sa ngayon ay pinapangarap kong abutin ang magkaroon ng close family ties, sa malalapit at malalayo ko mang kamag-anak.

Mahirap ang mag-isang anak.

"Aanhin pa ang damo kung ito naman ay amorsiko. Buti pa ang kulutan pinipilit nya laging maging close sayo."


-FIN-

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY