HANAP-BUHAY NG MUSMOS
na si father jiggs
-------------------------------------
Friday:
"Greggggg......Garyyyy....hintayin nyo naman ako...ang bilis nyo namang maglakad eh..." habang patakbo akong humahabol sa dalawa kong kaklase na naglalakad ng mabilis sa ilog. Kasabay din nila ang ate nilang si Sallie.
Papasok kami noon sa Happy Valley Elementary School. Silang dalawa ang malilimit kong nakakasabay sa pagpasok noon. Mga alas-5 pa lang ng umaga yun. medyo madilim ang umaga, nag-aagaw ang liwanag. Kailangan kasing maging mabilis para makaabot sa school bago mag-bell ng 7am.
Dahil nga Friday, medyo masaya at nakakabawas ng tension, dahil kinabukasan ay walang pasok at may panahon na naman kami na gawin ang mga gusto namin.
Pagdating namin sa school, magkahalo kami, grade-3 at grade-4, isa lang ang titser. Bali...sa isang column, nandun magkakasama ang grade-3 at sa kabilang column naman ang grade-4. Tama lang ang dating namin, hindi pa kami late, pero makalipas ang ilang saglit pagkatapos naming mailagay sa DESK namin ang amin mga bag ay nag bell na rin.
Kanya-kanya ng labasan. Kung tutuusin ay maliit na school lang ito...may dalawang room lang. Kasi ang nag-aaral dito ay mula grade-1 hanggang grade-4 lamang. Bagamat kunti lang, ganun pa rin ang programa sa umaga...uumpisahan sa panalangin na pimumunuan ng isang batang random na pinipili ng titser. Tapos...Bayang Magaliw na...este...Lupang Hinirang pala...susundan ng Panatang Makabayan...tapos babalik na sa classroom at
kakanta ng Ang bayan ko'y tanging ikaw....hehehe ...Pilipinas kong mahal pala...
"Good morning madam Anog..." yan na yung huling bati ng sabayan ng mga bata. Tapos simula na ng klase hanggang alas-12 ng tanghali na.
Tapos sa Tanghalian naman, kanya kanya ng bukas ng mga binalot sa dahon na baon. Yung medyo may kaya sa buhay plastic lunch box ang gamit na may ulam na pritong itlog.
"Good morning madam Anog..." yan na yung huling bati ng sabayan ng mga bata. Tapos simula na ng klase hanggang alas-12 ng tanghali na.
Tapos sa Tanghalian naman, kanya kanya ng bukas ng mga binalot sa dahon na baon. Yung medyo may kaya sa buhay plastic lunch box ang gamit na may ulam na pritong itlog.
Nung Pauwi na kami nina Greg, nag-uusap na kami ng tungkol sa plano kinabukasan. Sabi nila dun na ako matulog sa kanila mamayang gabi, para maaga kaming gigising kinabukasan. Tapos napag-usapan na rin namin kung saang bahagi ng kagubatan kami pupunta para makapanguha ng mga "Puso ng Pakil(wild banana). Usapan na alas-5 ng umaga ay aalis na kami agad kinabukasan.
Ganun nga ang nangyari, nagpunta ako sa kanila ng hapon at dun na natulog.
Kailangang maaga kaming makauna sa kagubatan para mauna kami sa mga puso.
Ang mga puso ng pakil ay ibinibenta namin ng P0.50 cents pero kilo, yun ang ginagamit naming baon sa school para sa kinalunesan...tuwing sabado ng hapon ay dinadala namin sa mamimili ang mga puso. Tapos sa araw naman ng linggo ay iluluwas ng mamimili ang mga puso sa bayan. Kapag sinuswerte ay nakakakuha ako ng 26 kilos...hirap na hirap na ako nun...dahil napakabigat na nun para pasahin ko nga nakasako at dalhin sa mamimili ng may layong mga 10 kilometro pa, o sa kabilang bundok pa.
Ang halagang P13.00 na kinita ko ang hahatiin ko, kalahati sa tatay ko. Pang-dagdag din namin iyon sa pambili ng bigas. P12.00 ang kilo ng bigas noon. yung pinakamurang bigas na kulay medyo brown. Malimit ang binibili na lang ng tatay ko ay bigas at asin lamang dahil pwede namang manguha na lang ng bunga ng talong o maglaga ng puso ng saging at isawsaw sa asin. Ulam na naming mag-ama yun.
Kung araw ng linggo, sa bahay at sa kaingin lang kami ng tatay ko, may alaga kaming mga baka at isang kalabaw. Sa kaingin naman ay minsan nakakakuha pa rin kami ng mga mushrooms. May kaboteng tumutubo sa kahoy na nasunog at may kabuteng tumuto sa punso, meron din namang kabuteng tumutubo sa saging.
Ang ginagawa namin sa ilang mga kabute kapag nalinis ay binabalot sa dahon ng saging at nilalagyan ng asin. Pagkatapos ay iniihaw na namin. kapag naluto na, ayos na ang tanghalian namin ng tatay ko.
Ganun nabubuhay kaming dalawa ng tatay ko. umabot sa edad na 12 ako, na nakatira sa bunbdok, routine na namin ang ganung buhay.
Minsan naman ay nangunguha ako ng mga natirang luya(ginger) sa kaingin at ibinibenta para may pambili ako ng papel at notebooks, lalo at vacation, para sa darating na pasukan.
Ang natatandaan kong bayad lang naman sa school kapag nagpa enroll ay P21.75. enroll ka na nun...
Di uso uniform na may tatak. simpleng short na blue at white shirt lang ang kailangan ihanda. tsenelas lang ang sapin sa paa.
Yan ang naging hanap-buhay ko nung bata pa ako.
Share ko lang:
Para sa mga makakabasa ng kwento ko:
kung matanda ito:
pakisabi naman sa lahat ng mga batang makakausap nyo na maging mapagpahalaga sila sa kung anong meron sila ngayon at sa edukasyong tinatamasa nila. Mag-aral silang mabuti, dahil maraming bata ang gustong makapasok sa school pero walang panggastos para makapag-aral.
kung bata naman o nagbabata-bataan:
Gawin nyong matatag ang paniniwala sa Diyos at hawag kayong magiging tamad. Magsikap kayo na abutin ang pinakamataas na edukasyon nyong pangarap. Laging gumawa ng paraan at maghanap ng mabuting trabaho para makaipon. At ilaan ito sa pangarap nyong pag-aaral. Anuman ang mangyari, unahin nyo munang mag-aral at ituloy ito hanggang matapos bago kayo tumulong sa mga kapatid o kamag-anak nyo.
Dahil kung magtatrabaho kayo ng hindi pa tapos at ibibigay nyo agad sa kanila ang inyong kinikita, hindi nyo sila natutulungan. bagkus ay pare-pareho lamang kayong nanatili s estado na dati ng nandyan sa inyo.
"Tulungan muna ang sarili." dahil ito ang mas mabuti para makatulong kayo sa iba.
"Di baleng nasa una ang hirap, at nasa huli ang sarap...kaysa naman mauna ang sarap bago ka maghirap."
Ito ang aking kwento.
-Father Jiggs
Comments