SULAT (College na)

Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na
tuition fee mo,
pinagbili na namin ang mga kalabaw
natin.
Pati yung catmon farm natin nabenta na rin
Ang mahal pala ng kurso dyan sa SAMSUNG GALAXY INSTITUTE,

Wala na din pala tayong baboy naibenta
na dinpara dun sa sinasabi mo na project nyo
na GALAXY S3,
ang mahal naman ng project nayun.

Kasama din ang 7 thousand dun para sa
field trip nyo sa STAR CITY,
Maganda ba yun anak, baka naman mapaso ka ng mga STAR dun,
akoy nag-aalala baga anak
malayo ba yun mag-ingat ka sa
pagbibiyahe mo,

Isasanla pala namin ang palayan natin
para mabili mo
na yung instrumentong IPAD5 na
kinakailangan mo sa laboratory nyo.
kelan mo ba talaga kelangan yaun

Anak komportable kaba jan sa boarding
house mo saan ba kamu yan sa Mandarin Hotel?
maganda ba dyan di ba mainit jan.
Siguro ay namimiss mo na ang hangin
dito sa bukid

Anak kumusta na pala yung group project
nyo na SAN MIG LIGHT napailaw nyo na
ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.

Anak sana bago pa maubos ang lahat
lahat ng arian natin ay maka gradweyt
kana,
walong taon ba talaga ang kurso mo,
sana paggraweyt mo makakuha ka ng
trabaho kaagad
kagaya ng manager ng kumpanya
para mabawi natin ang mga ari arian
natin sa sanglaan.

ay cya nga pala anak diba
sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka
palagi kumakain
ok ba naman sayo ang mga ulam dyan
baka hindi masarap kawawa ka naman.
Masarap lagi ang ulam namin ang
paborito mong tuyo at gulay na
bulanglang

Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin
mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-
drive.

Anak hanggang dito na laang at sa
susunod ay ipapadala ko sayo ang pera
na pambili mo ng MONTERO na gagamitin mo
sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal

Itang at Inang
P.S. Anak mag-aral kang mabuti.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY