Posts

Ito ang kwento ng "The Perfect Boss"

Mayroong tungkol sa 70 mga siyentipiko na nagtatrabaho sa isang napaka-hectic na proyekto. Lahat sila talagang nabigo dahil sa pressure  ng trabaho at ang mga hinihingi ng kanilang boss ngunit ang lahat ay matapat sa kanya at hindi naisip na umalis sa trabaho. Isang araw, isang siyentista ang lumapit sa kanyang boss at sinabi sa kanya - Sir, nangako ako sa aking mga anak na dadalhin ko sila sa eksibisyon na nangyayari sa aming bayan Kaya gusto kong umalis sa opisina ng 5:30 pm. Tumugon ang kanyang boss na "OK, Pinahintulutan kang umalis ng opisina ng maaga ngayon". Nagsimulang magtrabaho ang Siyentista. Siya nagpatuloy sa kanyang trabaho pagkatapos ng tanghalian. Tulad ng dati ay nakasama siya sa isang sukat na tiningnan niya ang kanyang relo nang naramdaman niyang malapit na siyang matapos. Ang oras ay 8.30 PM. Bigla niyang naalala ang ipinangako niyang saad sa kanyang mga anak. Hinanap niya ang kanyang amo, wala siya doon. Nasabi sa kanya mismo sa umaga, isinara niya an...

HANTIK

HANTIK Ang Author si cma Habang ako'y naglalakad, ako'y napalundag; Parang isang kurot, aking naramdaman; Agad na huminto at ako'y naupo, parang balat ko'y biglaang napaso; Pantalon kong suot ay agad nililis. Nang aking malilis ay aking nakita;  balat kong nakirot ay may kagat pala; Nakayakap pala ang mahal kong hantik; Na ang pagyakap nya'y may kasamang kagat; Kaya ang balat ko'y biglaang nag-init. Bagama't maliit ang kagat ng mahal kong hantik; Pag-ibig nya nama'y lubhang mas malalim; Ang pagmamahal nyang, may gigil at lambing; Tagos sa ugat ko, tungo sa puso ko. Sa halip na ako'y biglaang magalit; ako'y napaisip tungkol sa pag-ibig; Na kapag ang tao'y tuluyang umibig, dapat ay singtamis ng pulot-pukyutan. Kagat ng hantik, makirot lang sa una; subalit iba pala kapag tumagal na; Ito'y hinahanap-hanap na parang pag-ibig; Kapag natikman ay lagi ng hinahanap.

Sulat

Magandang araw po... Sa umagang ito hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa ng salaysay.  Ilang Buwan, ilang linggo, ilang, araw...basta maraming oras na ang lumipas...maraming araw...hindi ako mapakali...hindi makatulog ng maayos. Minsan nanaginip ako at ito ang kwento ng panaginip ko habang ako daw ay gumagawa ng isang liham: petsa ng liham:mayo 8, 1975 Dear rina*, "Sana sa pagsapit nitong aking liham ay nasa mabuti kang kalagayan at ligtas sa anumang karamdaman sa buhay. Mangyaring ako'y sumulat sa iyo para ipabatid itong aking damdamin. Mula ng makilala kita ay labis na akong humanga sa iyo. Maraming beses kong inisip, kung anong bagay ang meron ka ay ako'y nagkakaganito. Hindi ka nawawala sa isip ko gayung ako naman ay walang makitang dahilan kung bakit ganun. Gusto kitang makita araw-araw, makausap, at makilalang lubos. Malimit kung inaasam na sana ay makausap ka at ng maibsan ang pangungulilang ito ng aking puso.  Lumilipas ang mga araw, nagiging m...

SULAT (College na)

Dear Anak, Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Pati yung catmon farm natin nabenta na rin Ang mahal pala ng kurso dyan sa SAMSUNG GALAXY INSTITUTE, Wala na din pala tayong baboy naibenta na dinpara dun sa sinasabi mo na project nyo na GALAXY S3, ang mahal naman ng project nayun. Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa STAR CITY, Maganda ba yun anak, baka naman mapaso ka ng mga STAR dun, akoy nag-aalala baga anak malayo ba yun mag-ingat ka sa pagbibiyahe mo, Isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong IPAD5 na kinakailangan mo sa laboratory nyo. kelan mo ba talaga kelangan yaun Anak komportable kaba jan sa boarding house mo saan ba kamu yan sa Mandarin Hotel? maganda ba dyan di ba mainit jan. Siguro ay namimiss mo na ang hangin dito sa bukid Anak kumusta na pala yung group project nyo na SAN MIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun. Anak sana bago pa maubos a...

Sa Aking Pagtanda

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.               Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan               o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,               huwag mo sana akong kagagalitan.               Maramdamin ang isang matanda.               Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.               Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan               ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan             ...

SI WIN-WIN - step1

story by father jiggs PART-1 --------------------------------------------- Isang araw habang nagkaklase si titser, late ng nakarating ng school ang kapatid kong si Win-Win. Sabi ng  teacher nya... "Win-win bakit ngayon ka lang dumating??? Alas-10 na ng umaga....? di ba dapat alas-7 ng umaga ang pasok mo?" Win-win: Opo mam...alam ko po na dapat 7am nandito na ako...(malungkot na sagot nito) Titser: E bakit ka na-late ??? Win-win: Nagkamot muna ng ulo..tapos sabay sabing..mam pwede ko po bang ipatong muna ang bag ko sa desk bago ako magpaliwanag ulit? nakangiting pakiusap ng bata... Titser: halatang na nagulat din...kasi nga naman pagpasok pa lang ni win-win ..di na nabigyan ng pagkakataong makahakbang ng kalati man lang para makaabot sa desk nito.... ah...o sige..sige...sagot ng titser. Win-win: E mam, kasi po wala kaming bigas sa bahay...tapos...wala pa rin pong tubig..kaya nag-igib muna ako mula sa kulo-ong namin...bago ako ay  naghintay pa na m...

LATIGO NG BUHAY

Image
story by father jiggs ---------------------------------------------- Di ko malaman kung paano ko sisimulan ang aking kwento...pero dahil hindi ko pa naiisip  ang mga salitang panimula nito ay mag-iisip muna ako ng mag-iisip.... PAALALA: Ang mga kwentong naisulat ng may akda ay hindi lahat tungkol sa magagandang karanasan lamang. Ito'y  Tumatalakay naman sa pangit na bahagi ng buhay na maaring ang ibang tao ay naranasan din nung kabataan pa nila. Pero sa bandang huli ay may mabuti pa ring leksyon ng karanasan. Di ko pa rin maisip kung bakit nung 5-taong gulang pa lang ako ay pinag-aawayan ako ng nanay at tatay ko. Halimbawa may nagawa akong kasalanan, papaluin ako ng nanay ko...iyak naman ako...kapag narinig ng tatay ko...sasalubungin nya ang nanay ko at aawayin na...dahil ako'y pinalo. Hindi ko maintindihan nun kung ano ang dahilan talaga at kailangang mag-away sila. Wala akong kapatid at walang kapitbahay. Walang kalaro kung ang mga alaga lang naming baka...