Posts

Showing posts from 2008

MANGANGASO

Image
MANGANGASO kwento ni :Boyeng Dito sa kwentong ito, inilalahad ang buhay sa lugar na kung saan ay malapit sa mga virgin forest, madawag at maraming wild animals. Isang kwentong tungkol sa karanasan sa gubat at iba pang mga hayop na hinuhuli ng hunters. Sa isang solong anak na si boyeng, mahirap sa kanya ang walang kalaro sa edad na 8 taong gulang pa lang. Wala din syang nanay na kinalakihan dahil ang kanyang ina ay namatay sa isang trahedya ng pagkalunod sa panahon ng bagyo nang sya ay 6 yrs old pa lamang(for details see "ANG TRAHEDYA"). Connected ito sa kwentong ilalahad ko. SA araw-araw na takbo ng buhay, pagkatapos ang 5 araw na pagpasok sa eskwela, sa araw ng sabado hangad ng bata ang makapaglaro. Dahil dito pumunta lagi sa mga taong para na ring ka-pamilya ang turing sa kanya. Sila naman ay hilig rin tuwing Saturday ang mangaso sa malayong bundok bilang libangan na rin kapag walang pasok. Dahil sa wala naman namang magiging kalaro si boyeng kaya sumasama na lang lagi...

MANINISID

Image
MANINISID kwento ni : Boyeng Ito ay isang kwento ng isang bata na muntik ng malunod sa ilog. Isang pamumuhay at pagninigosyo sa gilid ng malinis na ilog sa barangay namin. Ilog na sumuparta sa isang bahagi ng buhay namin, bagamat ilog rin ang naging dahilan ng pagpanaw ng aking ina...tawagin nyo po akong Boyeng dito sa aking kwento...at ito ang aking salaysay... ARAW-ARAW, tuwing-umaga....madalas marami kang pwedeng gawin sa ilog. Noon ay may bahay naman kami sa kapatagan sa itaas pero dahil ang ilog ang siyang naging source ng negosyo namin sa pamimili ng mga fruits and vegetables, nagtayo kami dito ng isang maliit n a bahay. Ito ay para maging madali na lang sa amin ang pag-stay dito, walang delay ika-nga. Nung una ay temporary lang naman ang ginawang kubo ng aking ama, dito kami nagaabang nga mga darating na prutas at gulay para bilhin. Pero dahil naging malakas ang negosyo sa dami ng nagbebenta sa amin na mga katutubo, dito na kami tumira. Sa umaga ng mga 5am ng umaga nasa...

Tikbalang

Image
Tikbalang kwento ni :cris M aaring sa panahong ito ay di na gaanong nakakarinig ang bawat kabataan ng stories about sa mga ganitong nilalang. Ang mga Tikbalang ay nilikha na kasabay or connected sa nature, habang nasisira ang ating kagubatan at nagiging maingay ang kapaligiran sila ay nawawala na rin sa atin. Ang aking kwento ay tungkol sa akin mismong karanasan... I think mga 1985 siguro noon, nakatira kami ng aking ama sa isang liblib na lugar sa Happy Valley, Socorro, Oriental Mindoro. Mula sa highway ay may dalawang way na pwedeng daanan. Una ang daan sa may mahabang baybayin ng ilog na may 15 times na liko bago dumating sa kubo namin, ito yung mula happy valley. At ang ikalawa ay ang mula malbog paakyat ng ma. concepcion, dito ay may mahigit isang(1) oras ang lalakarin na tatahak sa gubat-gubat na shortcut noon. malalaking mga puno at tanging huni ng mga ibon lamang ang maririnig. Anyway, ang aming bahay noon ay nasa gitnang bahagi ng aming lupain, na napapaligiran ng m...

Daily Bread(Trahedya)

Image
by : cma This story is all about our life in the middle of nowhere. Magulo at mahirap...dito sa aking kwento ay ilalahad ko kung paano mabuhay sa gitna kahirapan sa kabukiran namin. Hindi ko alam kung paano ko tatawagin yung buhay na iyon. hindi naman isang kahig-isang tuka...kasi malimit sa isang araw walang makitang pwedeng ibenta para ibili ng bigas. At malimit isang beses lang makatikim ng kanin isang araw. Malaki man ang aming lupang sinasakahan pero hindi palay ang hanap buhay dito, kundi banana at mga root crops lamang na seasonal naman. Nilagang kamote at gulay ang malimit na pagkain. Ibat ibang luto na nga ang ginagawa para hindi magsawa...pero wala pa ring hihigit sa rice. Naalala ko ng mga 1988 hangang 1992 problema lagi namin ang bigas, ang pinaka murang bigas na nga ang aming binibili para lang makatikim ng rice. Halos hindi ko rin maintindihan noon kung bakit namin nararanasan ang ganun. Bata pa man ako ramdam ko na ang subrang paghihirap na parang wala ng katapusa...

UNOS

Image
by:cma Isinilang ako sa Barangay ng Concepcion, Bayan ng Socorro Province ng Oriental Mindoro. Payak at napakahirap ng buhay, taga Batangas pareho mga magulang ko...father ko ay Lobo, Batangas at Bauan, Batangas naman mother ko. Mag-isa lang akong anak nila...marahil ay dahil sa 40 plus n rin sila naging mag-asawa. Maayos ang pamumuhay namin during the time na buhay pa ang mother ko...may kunti kaming negosyo ng pangangalakal sa mga katutubong mangyan doon...marami sa mga katutubong mangyan ay sa amin na ibinibenta ang kanilang mga saka gaya ng mga root crops at fruits mula sa kabundukan instead na dalhin pa nila ito sa bayan. ISANG ARAW, September 3, 1980...anim(6) na taong gulang ako, mga ganap na 17:00hrs .. dumating ang unos sa buhay namin...nagkaroon ng malakas na bagyong "ATANG" ang pangalan at malakas na lindol...dahil sa ang bahay namin na isang dampa lamang sa tabi ng ilog...nagka-landslide...nadala nito ang lupang kinatatayuan ng aming bahay...dahil sa gabi n...

Buhay

Mahirap ang buhay, dito sa Pinas, mahal ang bigas; mahal ang gasoline...kahit wala kang car apektado k pa rin ng pagtaas dahil lahat ng consumers ay bumibili ng mga products na ginamitan ng transportation. I've been from the market side yesterday. nakita ko ang prices ng bilihin...naisip ko...paano ng yung mga family na isang kahig isang tuka? baka ngayon...maraming kahig...isang tuka na ang mangyari... sana sa bawat pagtaas ng bilihin...kasabay nito ang pagtaas ng sahod ng mga employees...or gawin namang balance ang salary sa bilihin man lang. kung sino pa yung mga magsasaka na syang nagpro-provide sa atin ng food, sila pa yung mas naghihirap, paano ba naman masyado silang binabarat ng mga umaangkat sa kanila. para bang ..kung sino pa yung mangingisda, eh sya pa yung madalang makakain ng masarap na isda. kasi yung masarap na isda...ibeni-benta na lang nila kaysa kainin...sa hirap ng buhay para lang maitustos sa pambili ng bigas. Sana sa bawat mamamayan, mas marami na ang magtipid!