MANINISID

MANINISID
kwento ni : Boyeng


Ito ay isang kwento ng isang bata na muntik ng malunod sa ilog. Isang pamumuhay at pagninigosyo sa gilid ng malinis na ilog sa barangay namin. Ilog na sumuparta sa isang bahagi ng buhay namin, bagamat ilog rin ang naging dahilan ng pagpanaw ng aking ina...tawagin nyo po akong Boyeng dito sa aking kwento...at ito ang aking salaysay...

ARAW-ARAW, tuwing-umaga....madalas marami kang pwedeng gawin sa ilog.

Noon ay may bahay naman kami sa kapatagan sa itaas pero dahil ang ilog ang siyang naging source ng negosyo namin sa pamimili ng mga fruits and vegetables, nagtayo kami dito ng isang maliit na bahay. Ito ay para maging madali na lang sa amin ang pag-stay dito, walang delay ika-nga. Nung una ay temporary lang naman ang ginawang kubo ng aking ama, dito kami nagaabang nga mga darating na prutas at gulay para bilhin. Pero dahil naging malakas ang negosyo sa dami ng nagbebenta sa amin na mga katutubo, dito na kami tumira.

Sa umaga ng mga 5am ng umaga nasa baybay ilog na ang aking ina para mamingwit, iyon na rin ang aming ulam pagsapit ng 7am.

Five(5) years old na ako noon, malimit sa ilog naliligo(pero sa baybay lang kasi hindi pa ako marunong lumangoy). Minsan habang naglalakad kami sa ilog, bigla akong nadulas sa malakas na daloy ng tubig at nadala ako sa malalim na bahagi...lumubog na ako ng mapalingon ang tatay ko at nakita akong na Layon ng ilog. Sinagip nya ako na medyo marami na ring nainom na tubig...mula noon ay natakot na ako...pero siguro iba lang talaga ang trip ko...kasi halip na hindi na ako lumusong sa ilog ay nagpaturo na akong lumangoy sa tatay ko...matagal din akong nagsanay sa paglangoy...nung una ay hindi ko pa magawang iangat ang aking ulo kasi lulubog ako...puro ganun lang muna ang alam ko...kapag lumangoy direcho na agad sa tabi..hindi pwedeng huminga hanabang lumalangoy...hehehe

Hindi naman umabot ng maraming taon at natuto na ako. Ang Paninisid ng isda gamit ang pana ay na-enjoy ko na rin. Maganda ang pakiramdam sa ilalim nakikita mo ng actual ang mga isd at pipili ka lang ng gusto mong mahuli gamit ang pana. Kapag nakahuli ako ay pumupunta na ako sa tabi ng ilog para dun ko ayunsin ang huli, may mga malalaking tilapia pa noon sa ilog, may dalag, hito at minsan igat at bangus din, maliban pa sa mga hipon at silver fish na maliliit na tinatawag nilang paitan at isdang-dapa(lagi kasing nakadapa lang).

Masarap ang buhay noon...mangingisda ka...or mamimingwit or magbubuklat ka lang ng bato marami ng shrimp ang pwede mong mahuli...complete pa kami sa family tatay ko, nanay ko at ako...kami na yun ..isang family na...plus marami pa kaming alagang baka at isang kalabaw, mga manok at birds...kasama na rin si Bantay(ang alaga naming aso).

Pero gaya ng una kong mga kwento minsan ay may lungkot din. Dahil damating ang panahon na ilog din ang naging dahil ng pagkamatay ng aking ina...at dito na nagsimula ANG TRAHEDYA...

(see the stories sa ANG TRAHEDYA).

"Basta sa bawat pagsubok, kailangan ng isip at pag-aralan ang sitwasyon. Gaya ng muntik ko ng pagkalunod...dapat lang na hindi matakot at sa halip ay gumawa ng solution para situation kung paano ang gagawin sa susunod na mangyari pa ito."

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY