Daily Bread(Trahedya)


by : cma

This story is all about our life in the middle of nowhere. Magulo at mahirap...dito sa aking kwento ay ilalahad ko kung paano mabuhay sa gitna kahirapan sa kabukiran namin. Hindi ko alam kung paano ko tatawagin yung buhay na iyon. hindi naman isang kahig-isang tuka...kasi malimit sa isang araw walang makitang pwedeng ibenta para ibili ng bigas. At malimit isang beses lang makatikim ng kanin isang araw.

Malaki man ang aming lupang sinasakahan pero hindi palay ang hanap buhay dito, kundi banana at mga root crops lamang na seasonal naman. Nilagang kamote at gulay ang malimit na pagkain. Ibat ibang luto na nga ang ginagawa para hindi magsawa...pero wala pa ring hihigit sa rice.

Naalala ko ng mga 1988 hangang 1992 problema lagi namin ang bigas, ang pinaka murang bigas na nga ang aming binibili para lang makatikim ng rice. Halos hindi ko rin maintindihan noon kung bakit namin nararanasan ang ganun. Bata pa man ako ramdam ko na ang subrang paghihirap na parang wala ng katapusan.

Sa umaga, paggising namin ng 4am, magluluto na ng almusal bago magpunta sa taniman. May mga araw na hindi kami nakakatikim ng kanin. Ang ginagawa na lang ng tatay ko ay kumukuha ng young coconut (buko) para makain namin. Talagang nakakapanghina ng katawan kapag walang supply ng kanin. Minsan ang isang takal na bigas ay hinahati pa namin para sa dalawang kain. As in makatikim lang talaga ng kanin. Kung minsan naman ay lugaw ang ginagawa ng tatay ko, marami nga kapag lugaw pero nakakapanghina pa rin ng katawan dahil sa mabilis itong matunaw sa tiyan.

May mga panahon na naranasan ko ring manghuli ng isda at yun lang ang pagkain namin. Minsan ay nakikikain na lang ako sa mga may mabuting puso.

Lahat ng mga taong tumulong sa akin ng panahon ng aking kakapusan ay hindi ko nalilimutan, maaring hindi lang ito napapag-usapan pero dito sa puso ko ay nanatili silang aking pinagkakautangan ng loob. Kung wala sila hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari sa akin.

MULA sa mga aral na aking natutunan sa bawat karanasang iyun ay naging masinop ako sa bawat bagay na ibinibigay ng Dios. Bawat biyaya ay naging mahalaga. Mula sa isang butil na kanin sa aming hapag-kainin ay mahalaga sa akin.

"Sa bawat paghihirap ay mayroon ding katumbas na kaluwagan, hindi tayo mananatiling mahirap basta kumilos at maniwala tayong magbabago rin ang lahat tungo sa hanahangad natin."

-End-

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY