MANGANGASO
kwento ni :Boyeng
Dito sa kwentong ito, inilalahad ang buhay sa lugar na kung saan ay malapit sa mga virgin forest, madawag at maraming wild animals. Isang kwentong tungkol sa karanasan sa gubat at iba pang mga hayop na hinuhuli ng hunters.
Sa isang solong anak na si boyeng, mahirap sa kanya ang walang kalaro sa edad na 8 taong gulang pa lang. Wala din syang nanay na kinalakihan dahil ang kanyang ina ay namatay sa isang trahedya ng pagkalunod sa panahon ng bagyo nang sya ay 6 yrs old pa lamang(for details see "ANG TRAHEDYA"). Connected ito sa kwentong ilalahad ko.
SA araw-araw na takbo ng buhay, pagkatapos ang 5 araw na pagpasok sa eskwela, sa araw ng sabado hangad ng bata ang makapaglaro. Dahil dito pumunta lagi sa mga taong para na ring ka-pamilya ang turing sa kanya. Sila naman ay hilig rin tuwing Saturday ang mangaso sa malayong bundok bilang libangan na rin kapag walang pasok. Dahil sa wala naman namang magiging kalaro si boyeng kaya sumasama na lang lagi sa kanila, taga pulot lang ito ng mga huli. Masaya na sya sa palaging pagsama sa pangangaso, minsan maraming huli, minsan wala.
Sa mga pahanon ng pagsama niya sa pangangaso, nakakahuli sila ng monkey, malalaking paniki, mga malalaking ibon, musang, bayawak, iguana at marami pa. Dito ay natutunan nya ang pagkilala sa mga puno at mga hayop sa gubat. Mga palatandaan kung may ibon sa lugar at pagkilala sa mga huni ng ibon kung anong ibon ang may ganung huni. Umaabot sa ikatlo hangang ikaapat na bundok ang aliwan nila sa hunting mula 7am hangang 2pm ang sila inaabot. Masaya kahit walang huli, pero mas masaya kpag may huli, natutunan dito ang pagluluto at pagkain ng mga exotic foods.
May mga encounter din sila sa malaking monkey gamit ang itak sa mano-manong laban dahil naubusan ng bala ang baril. Sa kabataan panahon ni boyeng natutunan na rin nya dito ang paggamit ng baril na pang hunting at mga basic precedures ng safety gun handling. Sabi nila "kung ang ibon or anumang hayop ay hindi balak kainin, wag itong babarilin."
Sa pagtigil sa bulubunduking lugar bilang bahagi na lang ng libangan noon ang kanilang pamamaril or pangangaso. Hangang sa panahong ito may mga kabataan pa rin sumunod sa ganun libingan nina boyeng noon, pero wala na ang mga ibon, wala na ang dating mga hayop na nakikita malimit sa mga kagubatan. Naubus na sila at ang iba naman ay nagpakalayo-layo na rin.
Gaya ng mga tagak at uwak sila ay aware na rin sa hunter. sa mga hindi pa nakakaalam. Kapag nakakita kayo ng tagak or ng uwak subukan nya silang tutukan ng kahit na kahoy na parang sila ay babarilin. makikita nyong sila ay lilipad sa takot.
Sa ganitong kinagisnan niyang lugar, di sila nabigyan ng sapat na kalaman tungkol sa wildlife preservations. Sa lugar na ito na wala naman TV noon at tanging mga medyo angat sa buhay lamang ang may radio...hindi na inaabot ng mga impormative news about life and living things.
Sa mga bagong hunter naman, please preserve the wildlife!
Si Boyeng ngayon ay wala na sa Oriental Mindoro, nakapag-aral at nagkatrabaho na cya sa Laguna. Ang mga kaibigan naman nya na naiwan sa Mindoro ay busy na ngayon sa pagpasada ng Motor-na-Single panghanap-buhay. Pero ang kinagisnan nyang hunting habbit ay nadala pa rin nya sa Laguna, KAYA LANG, naka-display na lng sa bahay nya ang kanyang mga Baril. Wala na rin kasing lugar doon na pwede sa hunting.
-END-
Comments