Tikbalang

Tikbalang
kwento ni :cris


Maaring sa panahong ito ay di na gaanong nakakarinig ang bawat kabataan ng stories about sa mga ganitong nilalang.

Ang mga Tikbalang ay nilikha na kasabay or connected sa nature, habang nasisira ang ating kagubatan at nagiging maingay ang kapaligiran sila ay nawawala na rin sa atin.

Ang aking kwento ay tungkol sa akin mismong karanasan...

I think mga 1985 siguro noon, nakatira kami ng aking ama sa isang liblib na lugar sa Happy Valley, Socorro, Oriental Mindoro. Mula sa highway ay may dalawang way na pwedeng daanan. Una ang daan sa may mahabang baybayin ng ilog na may 15 times na liko bago dumating sa kubo namin, ito yung mula happy valley. At ang ikalawa ay ang mula malbog paakyat ng ma. concepcion, dito ay may mahigit isang(1) oras ang lalakarin na tatahak sa gubat-gubat na shortcut noon. malalaking mga puno at tanging huni ng mga ibon lamang ang maririnig.

Anyway, ang aming bahay noon ay nasa gitnang bahagi ng aming lupain, na napapaligiran ng malalaking puno at halamanan. Minsan ay mag-isa lang akong naiiwan ng tatay ko noon sa bahay(dalawa lang kasi kami ng tatay ko). Para sa may mga katanungan about sa mother ko, please read the "Ang Trahedya."

Ang bahay namin ay isang kubo lamang, sa may di kalayuan ay may mga puno ng Balete, magkalayo sila ng pwesto pero para sa amin, dun nakatira ang tikbalang.

Wala kaming alam kung ano talaga ang hitsura ang tikbalang, ang alam lang namin ay basi sa kwento ng mga tao nakaranas na ring paglaruan nito.

Mga pangyayari:

Isang araw ay dumating ang ilang mga kaibigan ko sa baryo, niyaya nila akong maghanap ng hinog na bunga ng "oloy"(marang). Dahil nga masarap ang oloy at marami kami sumama naman ako. Nang dumating kami sa puno ay kanya-kanyang akyatan na kami. matagal kami lahat naka-akyat sa magkakahiwalay na puno. Nung una ay may naririnig pa akong usapan at pagbasak ng mga bunga...pero habang tumatagal ay parang nagiging tahimik na ang paligid. Tuloy pa rin ako sa paglipat-lipat sa sanga ng oloy, hangang mga 4pm na at tumatawag na ako, pero wala na kahit isa ang sumasagot...inisip kong iniwan na nila ako sadya.

Pero kinabuksan pagpunta ko sa kanila at nang tanungin ko sila sabi nila: "Hindi naman kami nagkita-kita kahapon at di rin kami nagpunta sa inyo..." may kanya-kanya pala silang pinuntahan base na rin sa iba ko pang napagtanungan. Ang sabi ng isang matanda "Naku! otoy, ikaw ay napaglaruan ng Tikbalang." dun lang ako kinilabutan...natakot...kaya nga mula noon hirap ako na basta na lang sumama kasi feeling ko baka d totoong tao ang nasa likod ng mga kasama ko.

Ang isa pang kwento ay ang kwento ng kapitbahay namin tawagin na lang nating "Baby" 4 yrs old siya noon. Tanghaling tapat habang naglalaro sya sa silong ang bahay nila nasa taas naman ang iba nyang mga kapatid. Hangang medyo inantok ng yung mga kapatid nya sa taas at nakatulog ng hindi na napansin na nasa baba nga pala ang bunso nilang kapatid.

Paggising nila dun na lang nila naalala ang kapatid nila, NAWAWALA NA!. Pinuntahan na nila lahat ng kapitbahay hangang sa pinakamalayo na halos buong baryo na, pero walang nakapansin sa kapatid nila.

Pinatunog na ang malaking shell na ang tunog ay parang tambuli, para daw marindi ang kung tikbalang ang naglaro sa bata.

Pati ang ilog na papuntang happy valley ay nilalakad na ng lahat. PERO....!!!

NAGULAT ang lahat nang makita nila ang bata na akay-akay na ng isang kababaryo namin mula sa labasan ang bata. Nang tanungin nila kung saan nakuha, ang sabi "nakasalubong namin sa ilog walang kasama kaya niyaya na naming umuwi..." nang tanungin naman nila ang bata...ang sabi nya ang kuya daw niya ang kasama nya...samantalang ang kuya nya ay siya ngang kasama paghahanap sa kanya.

Doon namin napatunayan na ang pangyayari nga ay gawa ng tikbalang, napaglaruan ang bata at isinama habang nagpangagap naman na kagahin ang anyo ng kuya nito.

Maraming mga kwento ang aking nalaman mula noon, may mga kwento na ang isang tao daw na nakatuwaan ng tikbalang at napakain ay nagiging mailap(wild) na, at parang kabayong cimaron na mahirap ng mahuli. Mabuti na lamang at ang bata ay hindi pa napapakain ng tikbalang. kung nagkataon sya ay tuluyan na ring mawawala at mahirap ng mahanap. END

Para sa mga makakabasa ng blog na ito; tandaan nyo na ang kalikasan ay bahagi ng ating buhay. Sa bawat pagkasira nito namamatay ang hindi lamang mga puno kunti pati na rin ang mga nilikha sa likod ng kalikasan.

Saan man kayo mag vacation laging isipin na maging magalang sa sinuman, tao man or kalikasan. Respect din sa iba nilikha naniniwala man kayo or hindi, mabuti na ang may respect dito. DAHIL...

BAKA KAYO ANG SUMUNOD NA MAGING LARUAN NG TIKBALANG....

Comments

Cris Blogs said…
malimit kaming paglaruan ng tikbalang noon, laging inililigaw sa daan pauwi...
maria ivy said…
may mga kwento rin akong alam tungkol sa tikbalang, pero narinig ko lang sa mga drama sa radyo. Nakakatakot nga!
Anonymous said…
ivy, nasaan yung kwento mo...? isulat mo rin sa blogs mo...kasi check ko dun wala e...

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY