Ang Kwento ng Musmos at Eskwelahan

Musmos sa Eskwelahan
story by father jiggs

Good Morning ma'm!, Good Morning sir!...Ito ang malimit kong binabanggit kapag nakakasalubong ko ang mga Titser ko...ganito kasi ang turo sa amin sa school nung unang araw na nag-grade-1 ako.
Author @ 6 years old

Hindi ko na matandaan kung anong tawag sa akin ng mga kaklase ko noon. Basta ang alam ko kapag may nagsasalita sa unahan ay makinig lamang at tumahimik. Ganyan kasi ang patakaran sa school e...kaya dapat sundin...turn-off ang pager, bawal ang magtext, bawal ang magdala ng laruang maingay, bawal ang magpatalbog ng holens habang may klase, bawal ang magdala ng pets...kahit na salaginto or salagubang...bawal pa rin...syettt! ano gang daming bawal e...ano ga ang hindi bawal deni sa school na areh? ...ay syempre kung ano ang hindi nabanggit ay yun ng hindi bawal. Ay ano ga naman areh?

Akalain ga naman ninyo, pagkatapos ng napakalayong paglalakad...ay pagdating deni sa school ay ang daming bawal e...tingnan nyo...ako'y 7 taong gulang laang deni. Gigisingin ng aking Ama ng alas 4:00 ang umaga at sasabihin sa akin ay sikat na ang araw...ay saan ga naman kayo nakakita ng araw sa 4:00 pa laang ng umaga. Ako daw ay bumangon na at tatanghaliin sa pagpasok ko sa school....ay sus naman...paanong gang tatanghaliin? Kaya ako'y babangon at lilipat laang ng pwesto sa bangkong malapit sa tungkuan namin, tapos hihilig at matutulog...naku! hindi ko namalayan na sinabi nga pala ng tatay ko sa akin na bantayan ang sinaing nya at kumuha ng dahon ng gagaw-ing balutan ng kanin pagpasok..ay sukat ga naman na nakatulog ako...e di nung magising ako'y amoy sunog na! Ay patay kang bata ka sa tatay mo. Eh di, dali-dali akong tumayo at binalot na ang kanin, habang ang isang kamay naman ay dumadakot ng kanin...ay sabay na ang kain at pagbabalot ng dahon...ay ako'y tatanghaliin, 'pag hindi nagmadali. Panay na ang tilaok ng alaga naming labuyo e. Ibig sabihin ay tatang...hhhhaaaa....lllllliiiiinnn naaaaa.....ay gay-on ang pakinig ko sa manok e...Akoy dali-dali nga, tapos tatakbo na papunta sa bal-on, liligo pa e..ay mabaho kapag hindi naligo. hehehe

Pagdating sa bal-on ay naku! nakalimutan pala ang sabong panlaba...ay di tatakbong pabalik na naman sa bahay...ay bago nakabalik sa bal-on ay pawisan din e...kahit na medyo madilim pa...ay anong pagod baga...

Nung makabalik sa bahay, ay dali-daling nagbihis at umalis na. Muntik pang maiwan ang baong kanin, wala na ngang ulam e, maiiwanan pa...inilagay ko na ang lahat ng kailangan sa school, ang aking lapis na mataba na kulay itim, ang malapad kong papel, baon at tirador(aba! ay armas ko yung tirador e...ay kung may ibon sa daan...e di mahuhuli ko...magkakaroon ako ng ulam..pang-ihaw din yun...kayo talaga...pssst! atin-atin lang...wag nyo akong isusumbong kay titser).

Makalipas ang 5 minuto ay nasa ilog na ako..ay ano gang lamig. Mga huni ng palaka at kung anu-ano pang ingay sa daan ang maririnig.

Sa ilog naman ay maraming pa ring pagdadaanan, para bang trial and error...mayroong labin-limang (15) tawid pa ang tatawirin ko...syempre paliko-liko ang ilog kaya maraming tawid...yung trial and error ay ganito...

Habang natawid ka sa ilog ay kakapain mo ang buhangin kung malambot na hindi ka pwede mag-slide at dalhin ng agos papunta sa malalim na bahagi.(yun ang trial) ang error naman ay ang kabaligtaran nito. Kapag nadulas or nadala ka ng agos papunta sa malalim...ay naku! basa kang bata ka...malamang absent ka sa klase. Subukan nyong tumawid sa ilog na mabuhangin at medyo madilim, para malaman nyo ang sinasabi ko...kayo kasi e...


Ang 15 tawid na ilog ay dapat matapos bago mag -7:00am, dahil kung hindi late ako sa klase. E alam nyo naman kapag late kang pumasok, lalo at sa ganitong edad ko. Eh pagpasok mo pa lang sa pinto ng classroom ay para ka ng tinutunaw sa tingin ng mga kaklase mo, sasabay pa ang titser mong nagsusulat sa blackboard at sasabihing "?????????...bakit ngayon ka lang dumating? traffic ba?" at ako naman at pansamantalang titigil sa unahan tapos sasagot ako ng ganito ..."ah...eh...kasi po...may nakita pa akong nag-aaway na hantik..inawat ko pa..sorry po mam...di na po mauulit...next time po na makakita ako ng hantik na nag-aaway...di ko na aawatin...tatapakan ko na lang. joke!"

Tapos, tutuloy na ako sa desk namin para maupo. Tatlo(3) kami sa isang desk, Ako, at ang magkapatid na Garry at Gorio, sa likod naman namin ay ang magkapatid na Oscar at Pedrong kuto. Sa kabilang side namin ay sina Myla at Carmela, sa hulihan yata naka upo sina Daisy at Rowena...Lagi kasi silang late...sa lapit ga naman ng bahay sa school...kaya ayun..lagi na lang late.

Dito namin pinagtitiisan ang isat-isa...joke...dalawang rows ang mga desk namin ang unang row na malapit sa pinto ay grade 2 at ang 2nd row na malapit sa pader sa kabila naman ay grade 1, ang blackboard namin ay isa, pero ginagawa ni titser na dalawa. Ginuguhitan nya ng pahigang chalk sa gitna para maging malapad na hatian. Isa lang ang titser ng grade - 1 at Grade-2, isa rin alng ang book para sa grade-1 at isang book para sa grade-2, kapag nagtuturo si Titser sa grade-1, dapat tihimik ang grade-2. Multi-tasking si Titser, lahat ng subject na panggrade-1 ituturo nya at lahat ng subject na pang-grade-2 ganun din. Sa buong taon ng pagpasok namin ganun ang araw-araw na routine ng aming klase. Pero hindi nakakasawa. Kasi walang ibang choice e. joke!

Tahimik lang malimit ako sa klase, kaya nga nabigyan ako ng parangal nung recognition day na "PINAKATAHIMIK SA KLASE"...dan...dan.........darannnnn...sabay tinawag ni Titser ang pangalan ko. Natuwa naman ako, kasabay kong umakyat ang tatay ko na kumikintab ang buhok dahil sa pamada(wala pang Gel at Spray net nun eh), masaya talaga ako, kasi sa dami namin ako ang napili.

At dyan natapos ang unang taon ko, sa Happy Valley Primary School.

Yaan ang aking kwento na hindi ko makakalimutan nung grade-1 ako.

PARA SAYO: Payo ko lang: "Pahalagahan ninyo ang pag-aaral, balang-araw lahat ng paghihirap nyo sa pag-aaral ay magbubunga ng tagumpay. Hindi hadlang ang baha or layo kung nais mong mag-aral, pagkat may bundok naman na pwedeng gawing shortcut na daan."


-may kasunod pa...kasi may grade-2 pa eh.-

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY