NUNG BATA AKO: Napunta ako sa ilog...

NUNG BATA AKO...napunta ako sa ilog...
by Cris Magboo Abag on Tuesday, July 26, 2011

Nung batang maliit pa ako, sumasama ako sa pagpunta sa ilog, nagbubuklat ng mga bato...



sa mga bato kasi noon, may mga hipon na akong mahuhuli,

minsan may mga isdang-dapa rin kung nangangapa sa ilalim ng bato,



naranasan ko na mangapa, ang nakapa ko ay katang..naku! aray ko po! sipit pala ang nasa unahan..sugat ang kamay ko.



minsan naman ay pagkapa ko ay may madulas na skin...mamaya pa ay biglang gumalaw...aray ko po! hito pala at natibo ako ng hito...lagnat ako nang hapon hanggang kinabukasan...subrang sakit pala at nakakalagnat ang matibo ng hito...



sa ilog ay maraming pangyayari...naligo sa malalim at muntik ng malunod...



pero sa ilog din natutong lumangoy at manisid...



naging palaruan din sa amin ang ilog...naghabulan sa paglangoy...yung tipong aakyat sa pader na lupa na malapit sa layon...tapos kpag malapit na ang taya ay biglang magda-dive...paglitaw ulit ay malayo na at tinatawag na naming bagoon ang taya..."bagoong..bagoong...bagoong..." pang-asar sa taya...maiinis naman ang taya, na kahit pagod na ay manghahabol ulit...hangang may bagong mataya...



may naging classmate nga ako, sa ilog din daw sila nagpunta noon at muntik ng malunod...buti nasagip ng kaklase...

may mga puno kasi sa tabing ilog na nakakain ng bunga, tinatawag namin na agupanga, lameyo, at dao...



matamis ang buto ng agupanga, maasim naman ang bunga ng lameyo at dao...



naging bahagi din ng bahay ang pagpunta sa ilog, kpag walang pasok, magkakayayaang maligo, maghabulan...

yung nga lang kung minsan pag-uwi may hataw sa ama..yung iba kasi di nagpaalam kasi di rin pinapayagan..hehehe...

kaya pag-uwi ..ihanda ang puwet...para sa hataw...hehehe



kayo ba naghabulan din sa paglangoy sa ilog...?

Comments

Cris Blogs said…
sa ilog kasi masarap magdala ng binalot sa dahon...
Anonymous said…
hindi po ako marunong lumangoy at walang ilog s min noon... bukid lang ang meron at sementado n ang kalsada sa panahon n bata pa ko... pero tama po kau masarap kumain ng binalot s dahon... (janeth)

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY