Si Pagong at Si Matsing (Breaktime muna) Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang sabi ni Pagong “Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing “Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito. “Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning” sabi ni Pagong “Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong. “Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing. Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan. Sa kanil...
SI BANTAY (Our Guard Dog) story by father jiggs Isang araw matapos ang mahabang paglalakad patungong eskwelahan, at matapos matawid ang 15 tawid na ilog na paliko-liko ay narating ko rin ang school namin. Halos madapa ako sa pagmamadali sa paglalakad dahil malapit ng mag-bell. BACKGROUND: Happy Valley Primary School, yan ang lagi kong nakikita sa tuwing aakyat ako sa halos mahigit 20 steps na hagdang semento pataas, bago ko pa maabot ang hanay ng mga classrooms. Halos mapigtas na ang tsenelas ko sa pagmamadali. Palingon-lingon, nagbabakasakali na may makasabay na school mates ko. Grade-2 na ako noon. Di nagtagal matapos kong makarating sa classroom at makapagpahinga ng kunti ay tumunog na rin ang bell. "Ting...ting...ting..." time na para sa flag ceremony. Naglabasan na ang lahat mula sa classrooms ng 3 kwarto. Maliit lang ang school namin, may kalumaan na. Sementadong pader ang humahati sa bawat rooms. Sa itaas naman ay may mga makakapal na flat bars na ginawang grills....
story by father jiggs ---------------------------------------------- Di ko malaman kung paano ko sisimulan ang aking kwento...pero dahil hindi ko pa naiisip ang mga salitang panimula nito ay mag-iisip muna ako ng mag-iisip.... PAALALA: Ang mga kwentong naisulat ng may akda ay hindi lahat tungkol sa magagandang karanasan lamang. Ito'y Tumatalakay naman sa pangit na bahagi ng buhay na maaring ang ibang tao ay naranasan din nung kabataan pa nila. Pero sa bandang huli ay may mabuti pa ring leksyon ng karanasan. Di ko pa rin maisip kung bakit nung 5-taong gulang pa lang ako ay pinag-aawayan ako ng nanay at tatay ko. Halimbawa may nagawa akong kasalanan, papaluin ako ng nanay ko...iyak naman ako...kapag narinig ng tatay ko...sasalubungin nya ang nanay ko at aawayin na...dahil ako'y pinalo. Hindi ko maintindihan nun kung ano ang dahilan talaga at kailangang mag-away sila. Wala akong kapatid at walang kapitbahay. Walang kalaro kung ang mga alaga lang naming baka...
Comments