NUNG BATA AKO:Nakikinig ako ng Radio sa kapitbahay

NUNG BATA AKO...Nakikinig ako ng Radio sa kapitbahay
by Cris Magboo Abag on Tuesday, July 26, 2011 at 9:02am

Bahagi ng aking kabataan ang makinig sa mga action, fantasy, adventure sa radio...pero dahil wala kaming radio...tinatandaan ko na lang ang oras na mga 9:00-1:00pm...yan ang range na may magagandang storyang pakikingan sa DZRH noon...



Sino ba sa inyo ang nakasubaybay sa radio noon sa mga ito:



Simatar - ang kwentong action pantasya na ginampanan nina Simatar, Putim(kabayo ni Simatar) at Eng-eng...etc.

Kapitan Radam -

Anino sa nagbabagang lupa...



marami pa pero yan na lang ang natandaan ko...na kahit ang mga bata kpag breaktime..naiipon sa may radio sa maliit na canteen...stop muna ang laro at nakasubay-bay sa radio...

yan ang radio..wala pang tv...radio lang ang laging paborintong gamitin...ang transistor radio na may apat(4) na baterya...

kung ang maglalaba sa ilog, dala ang radio;

kung pupunta sa bukid, bitbit pa rin radio;

kung may radio, masaya ang buhay..kahit saan ay pwedeng dalhin...

kung mahina ang signal, itataas lang ang pwesto..itataas sa puno...



kung minsan naman ay mahina na ang battery, kaya kung mainit ay ibinibilad ang battery para lumakas sa gabi...



dahil kung gabi naman nandyan ang paboritong katatakutan ang...


GABIIIIII...NGGGGG..LAAAAGGIIIIMMMMMM....

ang panggabing programang ito sa radio ang pinakanakakatakot noon. nai-imagine mo kasi na...

paano kung pag-uwi mo ay makita mong may malaking aswang sa ibabaw ng dahon ng niyog o kaya ay sa isang punong malaki...

o paano kung sa paglalakad mo sa gabi e..makatapak k ng dwende at parusahan ka...?

o paano kung sa paglalakad mo ay makakita ka ng kapre....anong gagawin mo...?

o paano kung sa paglalakad mo ay mapag-tripan kang iligaw ng tikbalang at di ka na makauwi sa bahay nyo...?

naku! napakaraming kwentong katatakutan noon...

abangan sa susunod...

Comments

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY