NUNG BATA AKO: Matanong ko lang: Naranasan mo na bang subukin ang tibay ng ngipin mo?

NUNG BATA AKO: Matanong ko lang: Naranasan mo na ba subukin ang tibay ng ngipin mo?
by Cris Magboo Abag on Tuesday, July 26, 2011


Nung bata ako, ang naalala ko, sinubukan ko rin ang magbukas ng tansan ng softdrinks gamit ang ngipin. Ginamit ko rin ang ngipin ko nun para butasin ang lata ng sardinas.

Grade 6 ako noon, transferee sa isang school sa Matungao Elementary School. Isang Camping ng Boys Scout ang ginaganap nung gabing iyon. Masaya ang mga kasali sa Camping, Kanya-kanyang dala ng mga gamit, naghanda ng mga tent. May mga maagang dumating, excited ba naman...meron din naman inihatid pa nanay...hehehe(parang mawawala...) todo punas pa ng pawis sa anak nitong mukhang masyadong bini-baby.

Di po ako kasali sa camping, tamang-tanaw lang ako sa kanila...alas-sais ng hapon ay nag-umpisa na silang magluto, ang bango ng amoy ng mga ulam na niluluto nila. hmmm...nakakagutom talaga.

Around 7:59PM, nakita ko naghahanda na sila ng mga plato para kumain, natapos na rin ang ang pagsisindi sa tinipong mga kahoy na nakalagay sa gitna. Maya-maya pa'y nag-start na ang prayer, hudyat para sa pasasalamat at hapunan na.

Ako naman ay ginutom na rin, kinapa ko ang bulsa ko, may nakapa akong barya. Nakatambay ako noon sa tabi ng tindahan ni Ka Waway...(ang tanging tindhan sa tabi ng school namin...walang kalaban sa pagtitinda...hehehe).

SA oras na yun wala na akong mabibilhan ng pagkain...ang nasa bulsa ko ay 10 pesos, tigpipisong barya. Dahil sa subrang gutom, bumili na ako ng isang Ligo sardines(yung kulay green), 7.00 pesos yun, may tira pang P3.00 para baon sa lunes. Yun na lang ang naisip kong kainin, ang seste, wala nga pala akong dalang pangbukas...problema talaga...isip....isip...isip...isip...dahil, wala din namang choice, di rin naman makakahiram ng pangbukas.

Dito ko na naisip na gamitin ang ngipin ko, para mabutas ang lata ng sardinas. At nabutasan ko nga ng 3. Para akong umiinom ng softdrinks sa butas na tansan...sabi ko na lang..sorry..gutom na talaga ako eh....hehehe

Kaya nga dito ko nasubukan ang tibay ng ngipin ko...

RATED PG...para sa mga bata, wag nyo ng gayahin...hehehe

Pero yung classmate kong si joseph nung high school, kumain ng lugaw, nabungi ang ngipin...
e..kasi naman...yung lugaw pala na kinain nya, may halong buto ng manok....kaya pag-nguya nya
basag ang ngipin nya....hehehe

kayo ano pang ginawa nyo para subukin ang tibay ng ngipin nyo?

Comments

Cris Blogs said…
ginamit ko rin ang ngipin ko nun, para din lumuwag ang buhol ng lubid.
Anonymous said…
wala kayo sa ngipin ko ginamit kong para higpitan ang buhol ng lubid n pinapaluwag nyo heheheh (janeth)

Popular posts from this blog

Ang Kwento nina Matsing at Pagong

SI BANTAY

LATIGO NG BUHAY