Posts

Showing posts from 2011

SI BANTAY

SI  BANTAY (Our Guard Dog) story by father jiggs Isang araw matapos ang mahabang paglalakad patungong eskwelahan, at matapos matawid ang 15 tawid na ilog na paliko-liko ay narating ko rin ang school namin. Halos madapa ako sa pagmamadali sa paglalakad dahil malapit ng mag-bell. BACKGROUND: Happy Valley Primary School, yan ang lagi kong nakikita sa tuwing aakyat ako sa halos mahigit 20 steps na hagdang semento pataas, bago ko pa maabot ang hanay ng mga classrooms. Halos mapigtas na ang tsenelas ko sa pagmamadali. Palingon-lingon, nagbabakasakali na may makasabay na school mates ko. Grade-2 na ako noon. Di nagtagal matapos kong makarating sa classroom at makapagpahinga ng kunti ay tumunog na rin ang bell. "Ting...ting...ting..." time na para sa flag ceremony. Naglabasan na ang lahat mula sa classrooms ng 3 kwarto. Maliit lang ang school namin, may kalumaan na. Sementadong pader ang humahati sa bawat rooms. Sa itaas naman ay may mga makakapal na flat bars na ginawang grills....

TIAGONG TANGGERO

Image
TIAGONG TANGGERO maglalasing ka ba, or maglalasing ka??? story by father jiggs   Background: Maraming kabahayan sa di kalayuan...may malawak na palayan sa kanan. Matatas namang hanay ng mga puno ng matataas na niyog sa kaliwa...sa likuran naman ay ilog na binuo ng mga maliliit na sapa...galing sa mga kagubatan at ang iba ay galing sa palayan. Probensya ang setup...umaga...bandang alas 5:00 pasado.   Haissstt.....sakit ng katawan ko...ani Tiago...INAY!...INAY!...INAY!... tawag ni Tiago kay Aling Nena na abala naman sa pagwawalis sa harapan ng bahay nila. Malapit sa pwesto ng kanilang tindahan na may nakasulat na "TINDAHAN NI ALING NENA." "Inay...ang sakit ho ng ulo ko, ano ga ho ang gamot...deneh..." ani Tiago. "Ayannnn.....sa kauhawan mo sa alak...may hang-over ka na naman..." sagot ni Aling Nena. "Ang mabuti pa ay tumingin ka ng pulot-pukyutan kina Mang Jose...at baka meron dun...tapos ihalo mo ang pulot-pukyutan sa tubig at inumi...

Susi

Nawawalang Susi...

Song: Pintig ng Puso

Pintig ng Puso Kayrami ng mga tanong sa aking isipan, Itong aking puso ay laging ikaw ang hanap kay saya nitong damdamin kapag nakikita ka anong ligaya ang nadarama. Tunay ngang mahirap ipaliwanag ang pintig ng puso kong ito Pag-ibig ko'y di mailalarawan sa tuwing nakikita ka Dalangin ko sa tuwina na ikay aking makasama Maglalakbay tayo sa may dalampasigan. Halika at tanawin natin ang pagsikat ng araw, Sabay nating damhin ang lamig ng umaga, Samyo ng hangin ay damang-dama, parang ikaw na damang-dama ko ang pag-ibig. Halika na aking sinta, tayoy maglakad sa dalampasigan, Damdamin ko't damdamin mo'y bayaang

Song: Sanay Nasabi Ko

 Sanay Nasabi Ko Compose by: cris.m.a. Nung una kang makita, damdamin ko ay nag-iba Parang ako’y nahipan ng hanging malamig na di ko maintindihan Tibok ng puso’y, bumibilis na parang ikaw ang nais Mga gabi ko’y nagiging mahaba,  sa kaiisip sayo. Mula noon ay araw-araw kang hinahanap ng puso ko Pinapangarap na makasama ka habang namamasyal tayo Ang damdamin kong itoy nananaginip ng gising At laging tulala sa kaiisip sayo. Dalangin ko isang araw, makita ka at ang kamay mo’y mahawakan man lang Palaging iniisip kita, maging sa panaginip koy laging kasama ka Ang puso koy nanatiling, nakaabang sa bawat pagdaan ng oras Na sanay  akoy iyong mapansin na rin At  kausapin man lang. Minsan isang araw na tayoy magkasabay,habang pauwi na Subrang kaba ang aking nadarama, para bang akoy mauubusan ng hangin, Nagsisikip ang dibdib ko, na di ko malaman kung saan babaling Gusto ko ng sabihing mahal kita, pero hindi ko magawa. Lumapas ang mga taon,  nawala ka...

KAPRE

Ang Pag-ibig kay Nene Kwento ni : Bun Jing MASAYANG NAMUMUHAY ang pamilya nina Mang Caloy at Aling Josie sa isang lugar sa Mindoro. May tatlo silang Anak: Si Atoy, ang panganay 19 na taong gulang, si Andoy 16 na taong gulang at si Nene, 14 na taong gulang. Nakatira sila sa isang malaking kubo na medyo may kalayuan din sa kalsada. Tanging ang pagpapa-upa ang kanilang kinalakihang trabaho. Minsan ay sumasama sila sa pamimitas ng mangga, rambutan, sinturis at calamansi. Malayong lakad pa, bago sila nakakarating sa kalsada. Dadaan pa muna  ng  mapuputik na daan at 7 tawid ng sapa, habang malalaking mga puno naman ng balete ang madadaanan. Madalas ay tapak silang naglalakad or walang sapin sa paa. itutuloy.....

KALSADA

Image
HALAW MULA SA MAKUKULIT NA BATA kwento ni: Bun Boying ARAW ng Lunes, excited ng pumasok sa school si Inah. Unang araw kasi ng pasukan. Grade 4, na siya at dahil tuwang-tuwa siya sa mga bagong ballpen na mabango, crayola, lapis, color pencil, at syempre bagong bag. Gustong-gusto na niya itong masubukang gamitin sa eskwelahan.   "Inay...inay...anong oras na ho?" tanong ni Inah sa nanay nito na si Aling Mila. "Alas Sais Biente(6:20AM) na, bilisan mo at baka ma-late ka sa pagpasok mo." sagot ng nanay nito. Kumakain na ng almusal  si Inah ng nakakamay at nagmamadali, na parang mauubusan ng oras. Tapos na kasi syang maligo at pagkatapos kumain ay toothbrush na at sabay aalis na ng bahay pagkatapos magpaalam. Pagkatapos nitong kumain ay agad nang nagpaalam sa nanay nito. "inay...aalis na ho ako." paalam nya. "O sige anak, wala ka na gang nalimutan? Yung papel mo? yung ballpen mong Bic? Yung notebooks mo kumpleto ga?" ayan ang paalala ng nanay nya...

KABABATA

Image
MULA SA KABUKIRAN story by father jiggs Maaga pa lang ay excited ng nagising si Rico, araw na naman kasi ng sabado at walang pasok sa eskwela. Pagkakataon na naman para mabigyan ng oras ang sarili para maglaro ng maglaro. "Ano kaya ang mga mapaglalaruan namin ngayon maghapon?" ito ang agad na pumasok sa isip ng batang paslit pagkatapos nyang maghilamos at bumaba ng hagdan ng bahay nila habang nakatanaw ito sa bukid nila. Malamig ang hangin na nararamdaman nya sa mga balat nya habang tinatanaw nya ang mga dulo ng damo na may mga munting butil ng hamog. Parang mga snow sa malayo kung sisipatin ang mga ito, dahil sa maliliit ito at puro nasa dulo lang ito ng bawat peraso ng dahon. SIYAM(9) na taong gulang pa lang si Rico , grade 3 na siya sa eskwela. simpleng bata, curious sa maraming bagay, di naman gaanong makulet, pero mausisa sa nanay at tatay nya. Marahil  ay maraming bagay ang iniisip nya na gusto nyang mabigyan ng malinaw na kasagutan. "Rico ... Ric...

WHO WERE YOU IN YOUR LAST LIFE?

WHO WERE YOU IN YOUR LAST LIFE?

Ang Kwento ng Musmos at Eskwelahan

Image
Musmos sa Eskwelahan story by father jiggs Good Morning ma'm!, Good Morning sir!...Ito ang malimit kong binabanggit kapag nakakasalubong ko ang mga Titser ko...ganito kasi ang turo sa amin sa school nung unang araw na nag-grade-1 ako. Author @ 6 years old Hindi ko na matandaan kung anong tawag sa akin ng mga kaklase ko noon. Basta ang alam ko kapag may nagsasalita sa unahan ay makinig lamang at tumahimik. Ganyan kasi ang patakaran sa school e...kaya dapat sundin...turn-off ang pager, bawal ang magtext, bawal ang magdala ng laruang maingay, bawal ang magpatalbog ng holens habang may klase, bawal ang magdala ng pets...kahit na salaginto or salagubang...bawal pa rin... syettt! ano gang daming bawal e...ano ga ang hindi bawal deni sa school na areh? ...ay syempre kung ano ang hindi nabanggit ay yun ng hindi bawal. Ay ano ga naman areh? Akalain ga naman ninyo, pagkatapos ng napakalayong paglalakad...ay pagdating deni sa school ay ang daming bawal e...tingnan nyo...ako'...

NUNG BATA AKO: Matanong ko lang: Naranasan mo na bang subukin ang tibay ng ngipin mo?

Image
NUNG BATA AKO: Matanong ko lang: Naranasan mo na ba subukin ang tibay ng ngipin mo? by Cris Magboo Abag on Tuesday, July 26, 2011 Nung bata ako, ang naalala ko, sinubukan ko rin ang magbukas ng tansan ng softdrinks gamit ang ngipin. Ginamit ko rin ang ngipin ko nun para butasin ang lata ng sardinas. Grade 6 ako noon, transferee sa isang school sa Matungao Elementary School. Isang Camping ng Boys Scout ang ginaganap nung gabing iyon. Masaya ang mga kasali sa Camping, Kanya-kanyang dala ng mga gamit, naghanda ng mga tent. May mga maagang dumating, excited ba naman...meron din naman inihatid pa nanay...hehehe(parang mawawala...) todo punas pa ng pawis sa anak nitong mukhang masyadong bini-baby. Di po ako kasali sa camping, tamang-tanaw lang ako sa kanila...alas-sais ng hapon ay nag-umpisa na silang magluto, ang bango ng amoy ng mga ulam na niluluto nila. hmmm...nakakagutom talaga. Around 7:59PM, nakita ko naghahanda na sila ng mga plato para kumain, natapos na rin ang ang pagsisindi sa t...

NUNG BATA AKO: Ang Panakot ng Barbero

Image
NUNG BATA AKO: Ang Panakot ng Barbero by Cris Magboo Abag on Tuesday, July 26, 2011 Naalala ko noon ang pangaral ng mga magulang ko...first time ko kasi na magpapagupit nun sa barbero... sabi nila: "Anak sa linggo ay pupunta tayo sa bayan; kailangan ng pagupitan sa barbero ang buhok mo..." pero ang bilin nila. "Anak, kapag ginugupitan ka na ng barbero, wag kang malikot at baka magupit pati tainga mo!" hehehe matagal kong tinandaan yun, kahit high school na ako...iniisip ko pa rin yun tuwing magpapagupit ako sa barbero. mahirap na baka nga magupit e...mawawalan ako ng tainga...hahaha... kayo anong sinabi ng tatay nyo nung first time nyo magpagupit?

NUNG BATA AKO: Hinahagis ko ang pusa namin.

Image
NUNG BATA AKO: Hinahagis ko ang pusa namin. by Cris Magboo Abag on Tuesday, July 26, 2011 Mabait ang alaga naming si Moneng... dahil nga bata ako..mar aming mga tanong sa aking isipan..gaya ng bakit ang galing ng balance ng pusa... naku...sabi ko sa inyo...meron ding kwento sa aming pusa... hinahagis ko ito sa ding-ding na bahay namin...kapit pa rin... hinagis ko sa dulo ng kalamansi..kapit pa rin...:> inilagay sa kesame ng bahay...ayun miyaw ng miyaw..di ko alam kung naiyak dahil di ko nabigyan ng flashlight... o naiinitan dahil di ko nalagyan ng electric fan sa loob... kahit sa dulo ng saging inihagis ko rin ang pusa...magaling talaga kumapit... dinala ko sa ilog at inihagis sa layon ng tubig...iniisip ko kasi na di marunong lumangoy...pero nagulat ako, dahil lutang pala ito at marunong lumangoy... sabi nila may siyam na buhay daw ang pusa, pero minsan may pasaway na pusa, binaril ng kapitbahay namin, patay! saan kaya napunta yung 8 pa niyang buhay...? :) maraming experiment pa a...

NUNG BATA AKO: Truck

NUNG BATA AKO: Truck by Cris Magboo Abag on Tuesday, July 26, 2011 Dahil nga sa gustong magkaroon ng laruan truck...pero walang pambili... gumawa ako ng trak-trakan na gawa sa johnsons baby powder, gamit ang takip ng baso ng nescape(4 pcs yun) at kawayan na tinuhog ang johnsons baby powder sa katawan...may truck na...nilagyan ko n lang ng tali sa nguso nito. gumawa rin ako ng alkansya gamit ang johnsons baby powder plastic. hiniwa ang tagiliran at nilalagyan ng singko, dyes, biente singko, salapi, at piso...pero di ako makaipon ..dahil kapag maraming kalansing na, sinusungkit ko rin, pambili ng candy, gaya ng bagkat, pilipit, sinulbot, ice cream(kung may maglalako)...kaya bandang huli puro singko at dyes na lang ang tira sa loob. :( kayo ba naglaro din ng ganito?

NUNG BATA AKO: Napunta ako sa ilog...

NUNG BATA AKO...napunta ako sa ilog... by Cris Magboo Abag on Tuesday, July 26, 2011 Nung batang maliit pa ako, sumasama ako sa pagpunta sa ilog, nagbubuklat ng mga bato... sa mga bato kasi noon, may mga hipon na akong mahuhuli, minsan may mga isdang-dapa rin kung nangangapa sa ilalim ng bato, naranasan ko na mangapa, ang nakapa ko ay katang..naku! aray ko po! sipit pala ang nasa unahan..sugat ang kamay ko. minsan naman ay pagkapa ko ay may madulas na skin...mamaya pa ay biglang gumalaw...aray ko po! hito pala at natibo ako ng hito...lagnat ako nang hapon hanggang kinabukasan...subrang sakit pala at nakakalagnat ang matibo ng hito... sa ilog ay maraming pangyayari...naligo sa malalim at muntik ng malunod... pero sa ilog din natutong lumangoy at manisid... naging palaruan din sa amin ang ilog...naghabulan sa paglangoy...yung tipong aakyat sa pader na lupa na malapit sa layon...tapos kpag malapit na ang taya ay biglang magda-dive...paglitaw ulit ay malayo na at tinatawag na naming ...

NUNG BATA AKO: Ang Ref

Image
NUNG BATA AKO...ang ref By Cris Magboo Abag Matanong ko lang...Sinisilip mo rin ba noon ung ref kapag namamatay yung ilaw pag sinasara?

NUNG BATA AKO: Ang Tiki-Tiki

NUNG BATA AKO...ang tiki-tiki By Cris Magboo Abag naalala ko vitamins ng baby ng kapitbahay namin "United American Tiki-Tiki"... yun yata ang kauna-unahang vitamins noon... sabi nga e..."United American Tiki-Tiki...United American Tiki-Tiki...United American Tiki-Tiki for baby..." pero nakita ko tinitira din nung tatay yung "United American Tiki-Tiki"....hehehe :)

NUNG BATA AKO: ang lumalaking laruan...isang linggo na di pa rin lumalaki...hmmmp!

NUNG BATA AKO...ang lumalaking laruan...isang linggo na di pa rin lumalaki...hmmmp! by Cris Magboo Abag Kung maalala nyo kpag fiesta, may mga nagtitinda ng laruan... nakikita ko kasi sa school, may nagkukuwentuhang mga bata na ang pinag-uusapan ay yung laruang lumalaki... na-curious ako, nakinig ako kung paano ang gagawin para lumaki ang plastic na laruan... bumili ako sa magtitinda ng laruan nung fiesta, ang sabi ibabad daw sa tubig at hintaying lumaki... anak ng grasshopper...isang linggo nang nakababad e hindi pa rin lumalaki....hmmmp! totoo ba yun na lumalaki kapag ibinabad sa tubig?

NUNG BATA AKO: Pinag-aaway ko ang hantik.

Image
NUNG BATA AKO...pinag-aaway ko ang hantik... by Cris Magboo Abag Nung bata ako, malimit akong makagat ng mga hantik na malalaki... grabeng paga ang inaabot ng kagat nito... minsan naisipan naming magkakaibigan na pagsabungin ang hantik... naghanap kami ng itim na malaking hantik, nang makakita kami ng butas sa lupa ng hantik na itim, ipinasok namin dito ang ang tangkay ng bulaklak ng damo, baba-taas...baba-taas...hangang magalit ang nasa loob nito at kumagat sa tangkay ng damo... hinila namin bigla palabas ng butas, at nakita namin na nakakagat dito ang hantik na galit. nanghuli pa kami ng isa...tapos tinanggal namin ang antennae nila pareho... pagkatapos ay pinagharap ang dalawang hantik na itim... at ..ayun...away na ang dalawa! ayan ang kwento kung paano... kayo ba nanood or ginawa nyo rin? hehehe